Chapter 1

36 2 3
                                        

Nagising ako sa sinag ng araw. Teka! Sino ba nagbukas ng bintana ko? nka sarado pa yan kagabi ah! Malamang sa malamang, ang kuya kong asungot na alam na alam na nabubwisit ako sa sinag ng araw!

Tumayo na ako at dumeretso sa banyo ko. Akala nyo titignan ko sarili ko sa salamin ano? Katulad ng karaniwang babae? Pero wag kayo! Wala akong salamin sa banyo ko. Kahit saan sa kwarto ko. Para saan pa ba? Sigurado naman akong mabibiyak yun sa sobrang panget ko. Seryoso! Nabibiyak talaga mga salamin ko sa sobrang panget ko. Imposible ba kamo? Sa akin hindi! Kasi po, PINUPUKPOK NG ASUNGOT KONG KUYA NG MARTILYO ANG SALAMIN KO TUWING NAGSASALAMIN AKO. TAPOS SASABIHIN NIYA SA AKIN NA NABIYAK DAHIL ANG PANGET KO RAW! Oh diba! Mahal na mahal niya ako(note the obvious sarcasm).

Aaminin ko, panget talaga ako. Di naman ako bulag para di makita iyon. Hindi rin ako bingi para hindi marinig ang mga lait ng mga taong nakapaligid sa akin. At lalong lalo hindi ako manhid para hindi masaktan sa nangyari...


Flashback*


Sigurado na talaga ako! Magtatapat na talaga ako!


Ano? Hindi ako magtatapat sa lalaki oy. Kay Trish ako magtatapat. Hoy! Wag kayo di ako tibo! Magtatapat sana ako na matagal ko na syang hinahangaan dahil sa talino nya, ganda niya, at sobrang kabaitan nya kaya gusto ko sya maging kaibigan. Mabait naman sya kaya sigurado akong di ako papalya! Kaya ko 'to!


Naiwan kaming dalawa ni Trish sa room dahil uwian na at siya parati ang huling lumalabas dahil minomonitor nya ang room. Pupuntahan ko na sya sa upuan nya at makikipagkaibigan.


"Hi Trish!" simula ko. I'm not sure pero parang ang sama ng ekspresyon ng mukha nya ng tinaas nya ang ulo nya mula sa pagkakayuko para makita ako. Hindi! Siguro namamalikmata lang ako. Oo... Tama tama.


Nagsimula na kong magsalita at mag explain sa kanya kung gaano ko siya ka hinahangaan dahil sa lahat ng magagandang traits niya.


"I really adore you and look up to you and if you would, can we be friends?" lakas loob na tanong ko sa kanya matapos ang napakahaba haba kong speech.


Pero sa di ko inaasahan... tumawa siya. Tumawa siya ng nakakaloko. Tumawa siya ng nakakainsulto. Tumawa siya na para bang napala imposibleng mangyari ng hinihingi ko sa kanya...


"Seriously? Hahahaha! That just made my day. Thanks for the appreciation. I appreciate it and... hahahahaha! I expect it. I mean, who wouldn't right? Hahahaha!" sabi niya. Ewan pero hindi... hindi siya yung taong hinahangaan ko. Slowly, I'm losing hope that there's one person different from the rest. Slowly, I'm starting to get hurt beyond expectation. And yes... I got crushed.


"But... hahahaha!!! Have you even looked at yourself? I don't think the word ugly is enough to describe you. Hahahahaha! I'm sorry but I am way out of your league. I DON'T BEFRIEND UGLY PEOPLE" patuloy nya habang naglalakad palabas ng room... tumatawa... at dinala ang natatanging pag-asa ko na may taong iba sa lahat ng mapanglait.


Now here I am. Sitting on the cold floor. Tears running down my face. I'm just left here crushed and hopeless.

Imperfectly Made for the DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon