Chapter 2

30 1 2
                                    

I haven't tried confessing to a man before so I don't know if rejection from a man is more painful than what happened to me.

Trish was the only person I looked up to. Siya lang yung tao na inakala ko naiiba sa lahat...

Pero akala ko lang pala yon. She's the same. Pare-pareho lang silang lahat! Mga judgemental! Ano akala nila sa sarili nila?! Perpekto?! Well FU!

AYOKO NA! Sawang sawa na ako. Akala ko may pag-asa pa kaso hindi! Sinira ni Trish lahat! Simula noon natuto na akong lumaban. Ayoko na apihin. Nagbago na ako!

Pero kahit gustuhin ko man magpaganda, panget pa rin ako. Sabi sa akin ni mommy maganda naman daw ako hindi ko lang inaalagaan sarili ko. Kaya sinubukan ko magbago. Mag-ayos. Magpapayat. Pero bakit ang hirap?! Kahit anong gawin ko tinatamad at tinatamad ako kaya ayun... Panget pa rin ako.

"Hoy panget! Pati ba ang inidoro na convince na sa kapangitan mo at flinush ka na? Baba na tagal mo letche!" rinig kong sigaw ng kuya ko. Palibhasa kasi gwapo siya kaya kung makalait saken, akala mo kung sino. Ewan ko ba feel ko di niya ako mahal. Hindi ko pa talaga naramdaman na mahal niya ako. Masakit. Na ni ultimo sarili mong kapatid nilalait ka. Na pati sarili mong kadugo hindi naiiba sa mga taong walang ibang ginawa kundi laitin ang iba. Mas lalo lang ako nawalan ng pag-asa dahil sa kanya. Pero kahit anong lait niya sa akin, hindi pa ako umiiyak sa harapan niya. Hindi ko siya kinakausap. Never ko siya kinausap. Pagkatapos ng araw ko saka ako umiiyak mag-isa sa kwarto. Kaya hirap na hirap na ako.

Lumabas na ako sa banyo at nagbihis saka bumaba para kumain ng breakfast. Tinignan ko muna silang tatlo na nakapwesto na sa mesa bago umupo. Paminsan iniisip ko na ampon ako. Ang ganda ng mommy ko, ang gwapo nman ni kuya tsaka daddy. Pero bakit ganito ako? Kaya din siguro ayaw na ayaw ni kuya sa akin.

"Baby, ready ka na ba for your first day in college?" tanong ni dad sa akin ng magsimula na  akong kumain. Hindi ko siya sinagot. Sa halip, nagkibit balikat nalang ako. Ganito ako parati. Simula noong nangyari tungkol kay Trish ay di ko na kinakausap ng maayos ang mga tao sa paligid ko. Feel ko nga magiging mute na ako nito. I just shut everybody out of my life since that incident. Kahit anong pilit ng mga magulang ko na kausapin ako, I just won't start a conversation with them.

Tumayo na ako at nagtungo sa lababo upang magsipilyo saka nagtungo sa pintuan upang pumunta sa school.

"Do you want us to give you a ride, R?" tanong sa akin ni mom bago ako makalabas ng pinto. Ganito sila parati. They try to reach me but I just wont budge.

"Don't bother. I don't need you" sagot ko. Narinig kong bumuntong hininga ang mommy ko bago ako tuluyang nakalabas ng bahay.

Two years... Dalawang taon na simula noong nagtapat ako kay Trish. Dalawang taon na simula nagbago ang pakikitungo ko sa mga magulang ko. At dalawang taon din ako nagdusa na makasama si Trish araw-araw kasabay ang sakit na binigay niya sa akin.

Ngayong college na ako, nabunutan na ako ng isang tinik out of millions dahil sa States nag-aaral si Trish at hindi ko na siya makikita.

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!  Ang taba taba mo pa naman!" sigaw ng lalaking nakabangga ko.

"Pakyu" tanging sagot ko sakanya saka patuloy na naglakad. Naramdaman kong tinapunan niya ako ng bato pero tinugon ko lang iyon with my middle finger.

Nandito na ako sa room ko. I am currently taking up international studies in a prestigious school. Medyo mayaman naman kami kaya keri lang.

Nagsisimula na akong makarinig ng mga lait mula sa mga bago kong kaklase. Tinaasan ko lang sila lahat ng kilay na kinainis naman nila.

Pumasok na ang teacher namin at nagsisimula na rin ang pagpapakilala sa bawat studyante.

"Kyle Ronin Kim" maangas na sambit ng kaklase ko. Tumingin ako sa platform mula sa pagkakayuko dahil napukaw ang kaluluwa ko ang boses niya. Ewan pero it just caught my attention. Nakita ko siyang naglakad paalis sa platform patungo sa direksyon ko. Baka sa likod ko siya naka upo. Sa likod kasi nagsimula ang pagpapakilala.

Dapat nga magbigay ka pa ng short description about yourself pati na rin expectations daw. Pero tanging pangalan niya lang sinabi niya.

Napatingin ako sa harap ng umubo ang teacher namin. Kaya pala... Lahat ng babae nakatingin pala dun sa Kyle na iyon. Hindi na ako magtataka. Gwapo siya. Actually, lahat ng nasa last row. Pito sila. Puro gwapo pero parang mas lamang siya.

"Ehem. Miss? You're next" napatingin ulit ako sa harap. Ano ba yan ako na pala di ko napansin. Pumunta na ako sa harap at nagsimulang magpakilala..

"Rogue..." naputol ang sasabihin ko dahil may nagsabi ng baboy mula sa likod na siyang nagpatawa sa buong klase.

Tinignan ko kung sino ang nagsabi noon at napansing yung Kyle pala ang nagsabi. Ha! Sabi ko ba gwapo siya? Joke lang pala 'yon. Sama din pala ng ugali 'di na ako magtataka. Lahat naman sila masasama.

I just smirked at him and raised my  middle saluting his ego. Napansin kong napanganga silang lahat sa ginawa ko, pati ang teacher.

"As I was saying before some attention seeker at the back cut me off, Rogue Celestia's the name. And it is very displeasing to meet you all" sabi ko saka nagtungo sa upuan ko.

"Kapal ng mukha, panget naman" narinig kong sabi ng isang babae sa first row. Bumalik ako sa harap saka nagsalita ulit.

"What did you say? Panget ako?" tanong ko doon sa babae. "Just keep this in mind. Panget man ako sa inyong paningin, ganon din kayo sa akin. Lalo ka na" saka ko dinuro yung babae at lumakad pabalik sa upuan ko. Nang paupo na ako, bigla namang nagsitawana ulit ang mga kaklase ko ng sa sahig dumiretso ang pwet ko.

Tanginang Kyle yan! Hinila lang naman ng bwisit ang upuan ko kaya ayon. Hay bwisit!

Tatayo na sana ako ng may paa akong nakita sa harap ko. Tinaas ko ang ulo ko para makita kung sino iyong asungot na nakaharang sa harap ko pero isang kamay na nakalahad sa akin at genuine ba nakangiting mukha at nakita ko....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imperfectly Made for the DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon