Chapter Eight

12 1 1
                                    

ISANG linggo na ang lumipas simula nang nangyari sa palasyo ng mga Woodson.

Hinatid lang naman ako ni Hunt dito sa palasyo at mabilis na umalis na wala manlang paalam sakin.

Pagdating ko dito nun sa palasyo ay agad na nagtanong si Lolo sa nangyari sa Family dinner.

Sinabi ko kay Lolo ang nangyari pero akala ko'y magugulat ito, sa halip ay tumahimik lang ito at sinabi saking magpahinga na raw ako.

Nagtaka naman ako sa ikinilos ni Lolo non, pero sinunod ko nalang ang sinabi nya sa akin.

Sa isang linggong lumipas, laging wala si Lolo sa palasyo. Lagi syang may pinupuntahan, sinasabi nya na may mga nangyaring hindi maganda sa iba't ibang bayan ng Vadovia at sya ang kailangan para malutas ang mga problema duon. Kaya hinayaan ko nalang itong umalis ng umalis.

Kaya ang resulta ay laging ako nalang mag isa sa palasyo, except sa mga tagasilbi at gwardiyang nagbabantay sa labas ng palasyo.

Basa lang ako ng basa dito para kahit papaano'y malibang korin ang sarili ko. Namimiss ko tuloy ang mundo ng mga tao... Lalo na ang pag aaral ko dun. Pangarap ko talagang makapagtapos, ang makagraduate sa kolehiyo, pero nang dahil nga sa mga nalaman ko tungkol sa aking sarili ay di ko na natuloy pa yun.
Ang mga pangarap ko..

Buti nalang at may mga kagamitan ang palasyo ng mga gamit sa pagpipinta kaya heto ako ngayon at nasa hardin ng palasyo at naghahanap ng magandang tanawin na pwede kong iguhit.

Agad ko naman nahanap ang magandang tanawin na sinasabi ko.

Isang malaking puno. Sa lahat ng puno ito lamang ang bukod tanging kakaiba. Napakalaki nito at berdeng berde ang mga dahon nito. May mga nakatanim ding mga kakaibang bulaklak sa baba nito. Napakaganda talaga.

Kaya di nako nag aksaya pa ng oras at nagsimula na kong iguhit ito.

Nakaupo ako sa damuhan.
Ako lang ang nandirito sa may hardin dahil nasa loob lahat ng mga tagabantay sa akin.

Masaya kong natapos ang aking ginuguhit. Sobrang nagandahan ako sa ginawa ko, parang gusto ko itong idisplay aking silid, ilalagay ko nalang siguro ito sa magandang frame.

Tumayo nako ng matapos kong maligpit ang mga kagamitan na ginamit ko.

Akma akong maglalakad papasok sa palasyo nang may boses ng babae ang tumawag sakin.

Naglingon lingon ako sa paligid pero wala naman akong makitang kahit na sinu.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at nagkibit balikat.

Ibinalik ko ang paningin ko sa harapan ko pero sobrang nagulat ako nang may lumitaw sa harapan ko.

Nakatayo lang ito sa harapan ko at nakatingin sa akin. Parang kilala ko ang babaeng ito...

Inalala kong maigi kung saan ko ito nakita.

At biglang nagproseso sa aking isipan ang napakagandang babae na isa sa mga anak ni Queen Woodson.

"K-keira?" Gulat kong banggit sa pangalan nito.

Sumilay naman ang ngiti napakaganda nitong mukha ng marinig nito ang sinabi ko.

"Salamat at naaalala mo ko, Prinsesa Achlys... " Nakangiti nitong sabi sa akin saka nagsimulang maglakad papunta sa akin.

"Anung ginagawa mo dito?" Taka kong tanong dito ng makalapit na sya sa akin.

Tinignan ko ang kabuuan nito.

Itim lahat ang kasuotan nito. Nakafitted Leather black tshirt, fitted Leathe black jeans at black na Boots. Hapit na hapit sa maganda nitong katawan ang kasuotan nito. May Itim din itong kapa sa likuran. Nakatali ng Ponytail ang pulang pula nitong buhok. Napakaganda nya talaga.

The Vampire's DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon