H U W A G

967 9 0
                                    

Gusto ko sanang hilingin na ako na lang
Ako na lang uli ang bumou ng araw mo
Ako na lang uli ang mag bigay ng matatamis na ngiti sayo
Ako na lang uli ang maging dahilan mo, sa lahat ng dahilan mo sa mundo

Pero mahal, ayaw ko na...
Hihilingin ko na lang na hindi na maging ganoon pa
Hihilingin ko sayo ....
Na huwag na lang ulit...
Kung balakin mong bumalik

Huwag na lang ako
Huwag na lang ako ang dumama ng mga yakap mo
Huwag na lang ako ang sabihan mo ng "hanggang dulo tayo"
At huwag...
Huwag na lang ako ulit ang mahalin mo
Dahil hindi ko na gugustuhin pang makarinig ng isa pa sa marami mong kasinungalingan
Hindi nagugustuhin pang bumalik sayong kanlungan..madilim.. hindi na nakakita ng tuluyan
Hindi na gugustuhin pang maniwala sayo mararamdaman ang lubos na kasiyahan

Mahal, gusto ko sanang hilingin na ako na lang ulit
Pero naisip kong "huwag na"
At sa lahat ng "huwag" na naisip ko,
Ito ang "Huwag" sa lahat ng huwag na natatandaan ko- "HUWAG....huwag nang bumalik sayo"

Huwag nang bumalik sa mga pekeng pangako
Huwag nang bumalik sa mga nakulangang pagsuyo
Huwag nang bumalik sa araw-na tuyo
Pagtingin na tuluyang nag laho

Gusto kong iparating na kung maisip mong sana tayo na lang ulit ...
Hihilingin ko sayo
Sa pagkakataong ito...
Sa araw na tuluyang napagod ang puso ko..sa mga araw na dahil sayo ay nabigo
Mahal, huwag na lang...
Huwag na lang ako ulit

Unspoken Words (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon