CHAPTER 17

52 4 4
                                    

~Fastforward

" May talent and portion na ba kayong dalawa Dwayne at Rish? " tanong ni Mrs. Cruz sa amin agad namang  nagtama ang paningin namin ni Dwayne ...

" Ah eh--"

" Don't worry Teacher Cruz meron na po diba Rish? " napatango nalang ako alam kong magagalitan kami ni Dwayne kung ang sinabi namin ay wala

" Oh sige try nyong iperform ngayon para malaman at makita ko  ang gagawin nyo " napatingin ulit ako kay Dwayne dahil hindi naman niya ako na inform kung anong gagawin namin mukhang mapapasubok kami nito haistt

" Hindi na po kailangan Teacher Cruz tsaka gusto po namin masurpresa kayo at ang mga manunuod "

" Oh siya sige mukhang maganda ang kakalabasan nyan ah , aabangan nalang namin iyan "

Nagtungo ako sa bench upang magpahinga ...

Malapit lapit na din ang event pero wala pa din akong pang isahan na talent portion at sa by pair , Wala pa din akong mga damit na gagamitin ko sa contest .

Halos lahat ng kasali sa contest ay prepared na samantalang ako? hindi pa

Wala pang limang minutong pahinga ay tinawag na kami kaagad para mag-ensayo ulit

May pagkakataong nagtatama ang paningin namin ni Dwayne at agad naman niya itong iniiwas

Ngayon masasabi ko na talagang ...

A K W A R D

ang mga mangyayari sa event !!!

" Ahm , Excuse me ang Pageant Ay sa susunod na linggo na dahil iyon ang napagdesisyonan ng lahat , Napaaga ito ng hindi inaasahan ngunit wala na tayong magagawa at pagkatapos ng Pageant ay magsisimula na ang mga events sa ating paaralan , Yuon lamang at maraming salamat" paliwanag ng Student Council at lumabas na

" Lahat na ba kayo ay may mga Damit na para sa Pageant? Kung wala pa ay dapat maghanda na kayo mas maganda kung sabay ng mamimili ang magpartners para alam nyo ang kulay o motif ng isusuot ninyo " paliwanag ng Trainor namin

" Maaga ko kayong papauwiin para makabili na kayo ng damit ninyo " napatango nalang kaming lahat at nagsimula muling mag-ensayo

'Meron na kayang damit si Dwayne?'

" Ah dwayne may ---"

" Meron na " agad naman siyang nagtalikod

'Bastos'

Napairap nalang ako sa kawalan...  Siguro ako na nga lang ang wala tskkk...

" Dismissed " agad kong kinuha ang bag ko at nagsimula ng maglakad ...

Habang naglalakad ako may nararamdaman akong sumusunod pero hinayaan ko nalang marahil yan yung nga kasamahan ko sa pagent pero kakaiba eh

Lumingon ako at laking gulat ko na si Dwayne pala yun

" Oh bakit? " nagtatakang tanong niya

" Wala " nagtalikod nalang ako

Bakit sa dinami-dami ng dadaan bakit dito pa siya?

Hanggang sa makalabas na ako ng Hall nakasunod pa rin siya

Tatawagan ko na si Kuya kaya lang wala nga pala akong load :((

Lumingon ako sa likod kaya lang wala na pala si Dwayne tatanungin ko sana kung may load siya

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng Campus

Mapara na sana ako ng taxi kaya lang bigla may ...

Nag busina ng malakas!!!

At si Dwayne nanaman...

Nagbigay daan nalang ako pero hindi pa rin siya umaalis

Nagbigay daan ulit ako pero ngayon sinusundan nya ulit ako

" Ano ba?! " iritang sigaw ko pero hindi niya ako pinansin

Maya-maya ay ....

Bigla nalang may humawak sa braso ko ...

I Still Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon