CHAPTER 13

66 3 1
                                    

" Rish sinaktan ka na niya wag mo na siyang pagtakpan pa ! "

" Chest... Hindi naman sa ganun yun ehh... Alam kong ... May malalim siyang... Dahilan " lalo pa akong naging emosyonal

" At anong dahilan yon rish ?! Sigurado ka bang hindi ka na niya sasaktan ! O di ka na masasaktan ?!!! "

" Hindi ko alam pero--- "

" Rish ! Wag ka nang mag paka-tanga sa kaniya ! Lalo ka lang masasaktan ! Alam mo ba ?! Nagparaya ako para sa ikasasaya mo ! Tapos ano ?! Ganto ang mangyayari ?! Nagparaya ako kahit na labag sa kalooban ko ! Nagparaya ako kahit na masasaktan ako ! Nagparaya ako kahit alam kong masakit ! Nagparaya ako dahil yun yung tama ! " ramdam ko ang galit at lungkot habang nagsasalita si Chester

" Chester--- "

" Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin ?! Yung mga ginawa ko ?! Nagpakalayo ako dahil alam kong masasaktan lang ako kapag nakita ko kayong masaya ! At magkasama ! Na imbes na ako yun dapat ! "

" Chest... Tama na "

" Alam mo namang pagdating sayo HANDA AKONG MAGPAKATANGA ULIT ! "

" Chest... Please...Hindi mo na kailangang gawin yan "

A minute of silence ...

" Ihahatid na kita baka hanapin ka ni Tito at ni Kuya Caleb .. " tumango nalang ako

Hanggan' sa byahe wala na kaming imikan...

Alam ko naman kung bakit ganun si Chester.. May parte din naman sa akin na nasaktan ako sa mga nasabi niya kanina at alam kong nasaktan din siya sa mga nalaman niya ...

Ansama ko namang kaibigan ?!

Kakadating palang ni Chester , Hindi ko man lang siya nakausap ng maayos ..

Haistttt how I wish na sana wala ng nakaraan , wala ng masasaktan pa ...

Hindi ko pala napansin nandito na kami sa tapat ng bahay ...

Binuksan niya ako ng pintuan at...

" Hindi ka man lang ba magpapakita kay Daddy , Kuya Caleb at kay Manang ? "

" Hindi na siguro paka-musta mo nalang ako sa kanila pagod na ako eh "

" Ah ganun ba .... Sayang ... Ingat ka " nanlumo ako sa sinabi niya

Tumango nalang si Chester pero...

" Ah .. Chester... Sorry nga --- "

" No , it's ok ako nga dapat mga sorry eh , dala lang siguro ng pagod kaya , sige pumasok ka na "

" Sige mag-iingat ka " tumango siya at agad naman akong sumunod sa utos niya maya - maya pa ay umalis na rin siya

~*~
A/N : Kaninong TEAM kayo ? 😂
#TEAMPANDA🐼
#TEAMBAGYONGLIAM💫
#TEAMCHEST💞
~Itutuloy

I Still Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon