CHAPTER 19

46 4 0
                                    

Nang makarating kami sa bahay agad akong nagtungo sa taas para kunin ang medicine kit ng makuha ko na ay agad akong nagtungo sa salas na kung saan naandon si Chester

Kumuha ako ng bangko at umupo sa may harapan niya...

Kinuha ko ang bulak at nilagyan ito ng betadine at idinampi malapit sa kanyang labi

" Ah-- Aray "

" Aray ... Dahan dahan naman " reklamo ni Chester

Habang ginagamot ko ang sugat niya napapansin kong nakatitig lang ito sa akin kaya medyo nailang din ako at nilagyan ko na ng band aid

" Ayan tapos na " nakangiting sabi ko at napansin kong tumingin siya sa relo niya

" Tsk antagal natin " reklamo niya

" Sus parang ilang minuto lang eh tara na "

" Nasaan yung dadalhin mo para kay Tita?"

" Nandito na po " nakangiting sambit ko at tuluyan na kaming umalis sa bahay

Hindi pa sa Kalayuan ay nakita ko kaagad ang puntod ni Mommy nakita ko kaagad si Daddy na kasalukuyang malayo ang iniisip habang si Kuya naman ay kinakausap ang puntod ni Mommy napangiti naman ako dahil sa inasal ni Kuya.

" Dad!! " masayang sambit ko at agad na niyakap si Daddy

" Oh buti naman at dumating na kayo "

" Ah daddy mukhang malalim po yung iniisip nyo "

" Wala yuon anak , tara na "

Hindi pa sa kalayuan ay nakita kong nag-uusap si Kuya at si Chester at mukhang nagkakatuwaan

" HAHAHHA oo laugh trip nga eh "

mukhang hindi nila napansin na nadito na kami hahahha.

" Mukhang nagkakasiyahan kayo ah " agad na nagmano si Chester kay Daddy " Ah hindi naman po Masyado " ngumiti naman si Daddy

" Napaano yan Chester? " sabay turo ni Daddy sa mga band aid niya sa mukha " Wala lang po yan Tito malayo po sa bituka hahahha. " nagtawanan nalang kami napansin ko na bumalik si kuya malapit sa may lapida ni Mommy at umupo ito kaya umupo rin ako duon ngunit hindi niya napansin

" Mommy kamusta na? " panimula ko at agad akong nilingon ni Kuya

" Aishhh... Akala ko pa man kung sino na ikaw lang naman pala Rish tskk " reklamo ni kuya " Bakit may iba ka bang inaasahan?siguro may girlfriend ka na noh? tapos inaantay mong dumating tskk... Dad--- "

" Tsk. Wala pa yan sa plano ko ang magkaroon ng girlfriend Rish alam mo yan, Tsaka gusto kong matupad yung pangako kila Daddy " tumango tango ako da kanya "Alam ko naman yun kuya pero hindi naman masamang magbiro hindi ba? " natatawang tanong ko " Hindi naman Hahahha "

Nagkwentuhan lang kami ni kuya at inalala yung mga panahong kapiling pa namin si Mommy ...

" Mommy kamusta na? Alam mo pa ba Miss na miss na kita, Matagal na rin pala Mommy na hindi kita nayayakap,nakakausap at nakakabonding, May kasalanan po ako sa inyo Ni Dad pero Mommy sasabihin ko din naman kay Daddy pero hindi pa po ako handa sana po maintindihan mo, Mahal na Mahal ka namin Mommy at Miss ka na namin" naluluhang sambit ko " Anak tara na baka abutan pa tayo ng ulan " narinig kong sigaw ni Daddy " Opo Dad, Mommy mauna na po kami ha? babalik kami Mommy bibisitahin ko po ulit ikaw " at agad akong tumayo at umalis na sa puntod ni Mommy

I Still Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon