Ala-Ala ng Pera

120 10 26
                                    

MJ's POV

"Mennnnnnnn!" Mahina kong bulong. Sh*t naman! Kulang pera ko. . .ughhhhh

"Magkano kulang?" Tanong ng katabi ko. Napalingon ako at nakita ko si AJ.

Kung minamalas ka nga naman!

Kung kelan ka naman mapapansin ng crush mo eh saka naman ganito yung scenario.

"Ahhhh. . uhmmm.. .hinde ok lang." Sabi ko.

"Magkano nga?" Pero di ako sumagot kaya tinanong niya na lang si ateng cashier kung magkano lahat at binayaran na iyon.

Hala! Edi lalong nakakahiya.

Ughhhhhhhhhh. . .

Nagbayad na din siya ng kanya at inantay ko na lang siya na matapos.

"San kayo nakatambay? Ibabalik ko yung pera mo."

"Ano ka ba, 20 lang yun. Hayaan mo na. Minsan-minsan lang ako manlibre." Patawa naman niyang tanggi.

"hahahaha. . Yoko! Nakakahiya, tapos baka mamaya pa eh ipan-blackmail mo pa sakin. . hehe" biro ko na lang din para maitago hiya ko.

"Sama ng tingin mo sakin. Diba dapat nga nagpapasalamat ka kasi tinulungan kita? 25 na ibalik mo ah" sabi na niya ngayon.

"Ha?! Bat naging 25 yun?"

"Bayad sa pagiisip mo ng masama sakin."

"Sabi na nga ba at may balak ka talagang masama eh. Wala pang limang minuto 5 pesos na agad?! Dahil diyan eh 15 na lang!"

"Hahahahaha. . . Ang Kuripot mo. . .diyan ka na nga." Sabi niya at iniwan na ako.

"San kayo nakatambay?!" Sigaw kong tanong sa papalayong crush ko. Hindi naman niya ako sinagot at ikinaway lang isang kamay habang nakatalikod.

Nangiti na lang ako habang nakatanaw sa kanya. Pero agad ko ding naalala na alam niyang kulang pera ko kanina. Actually ang alam nga ata niya ay WALA akong pera.. . huhuhu. . nakakahiya talaga ("° 0 °)

-_-_-_-_-_-_-

AJ's POV

Pagupo ko sa upuan ko ay napansin kong may bente pesos na nakaipit sa notebook ko. Binuklat ko sa pahinang yun at nakita kong may limang tigpi-piso pa at may nakasulat.

NOTE:

"Oh ayan na! May sobrang Five pesos na din yan para wala ka na masabi. . .hahahaha
Thanks nga pala ulit <3 <3 <3"

Adik yun! Joke lang naman yung 5 pesos eh. Ni hindi ko na nga sana balak ipabayad maski piso dun. Adik lang. Pero nangiti rin ako.

Lumingon-lingon ako sa likod ko kasi dun madalas nakaupo yung grupo nina MJ. Wala siya pero nakita ko yung bag niya. Linapitan ko yun at linagay yung pera sa outer pocket.

Bahala ka diyan. Basta wala akong balak ipabayad yun.

Bumalik ako sa upuan ko at inantay na bumalik siya.

Di naman nagtagal at bumalik na nga siya kasama ang isa niyang kaibigan. May kinuha siya sa pocket na pinaglagyan ko at bakas sa mukha niya ang pagtataka. Inilabas niya yung pera at tinanong yung mga katabi niya kung sila ba naglagay dun.

Tinuro naman ako nung isa kaya napatingin si MJ sakin. Nagkunwari naman ako na parang di ko alam kung ano pinaguusapan nila. Pinakita niya sa akin yung pera at nagkibit balikat ako kaya lang di ko napigilang mangiti kaya nahuli ako.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumayo din naman ako at lumayo sa kanya. Sa kasamaang palad nakalimutan kong dalhin yung bag ko kaya nailagay niya iyon doon at umalis na. Dumating na din yung prof namin kaya di na ako nakapalag.

Kathang-isip at KatotohananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon