(Edited out ulit na scene from One in a Million)
-_-_-_-_-_-_-_-
If you’re not the one then why does my soul feel glad today?
If you’re not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call
If you are not mine would I have the strength to stand at allNikki Gil, If You're Not The One
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
LEE'S POV
So bati na nga kami. Nagaasaran parin at nagiinarte parin kami pero atleast inaantay ko na palagi na PIGILAN niya ako bago ako magwalk-out para di na maulit at lumala ang problema. Pero all in all eh honeymoon stage nanaman kami ulit.
Nga pala, nagkausap na din kami ulit ng masinsinan ni bestfriend Limuel. Muntik ko na siyang sukuan, talagang ang tigas ng ulo eh. Buti na lang at PINAGBIBIGYAN niya kami, yan sabi niya. Patawa lang, akalain mong kami pa may utang na loob sa kanya. . . hahahaha
Sabi niya, well actually PAULIT-ULIT niyang pinagpipilitan na kapag nagbago daw isip ko at damdamin ay andiyan lang daw siya naga-antay. Muntik nga siyang kagatin ni Labs eh. Asar na asar siya habang nakikinig sa sinasabi ng kababata.
Kung wala dun si Labs eh baka umusok din ako, buti na lang ang kulit ng bangayan nila, naaliw pa tuloy ako. Kung dati naiinis ako kapag nagpapa-cute si Limuel sakin eh ngayon naman ay nakaka-kilig. Bakit?
Secret lang natin ito ah. . . hehehe
Sobrang selos kasi nung Dyosa. Super dikit siya sakin kapag andiyan si Limuel. Tapos kapag kausap ko yung lalake eh dapat kay Labs lang daw ako nakatingin. Minsan nga eh hawak niya pagmumukha ko habang kausap ko yung binata. Nag-away tuloy sila ulit nanaman noon. Rest assured na ako, kasi alam kong OK na sila. Kahit naga-away sila eh kita mo na mas-open na sila ulit sa isa't isa at kita mo na madalas ay talagang asaran na lang din ginagawa nila.
So ngayon eh smooth sailing nanaman buhay pag-ibig ko. YEY!
-_-_-_-_-
Breaktime ko ngayon kaya makikitambay ako kina Labs. 30 minutes break lang ito actually. Ilang araw na kaming super busy sa klase. Di tuloy kami nagkakasama ni Labs. Kung di kami pinagtatanim sa field eh andun kami sa nursery pinag-gagather ng data. Kaya ngayon eh susulitin ko break ko.
Nakita ko na siya, kasama niya mga classmates niya. Nakikisalamuha na siya ngayon sa iba. Dati kasi eh sina Evan lang laging kasama, ang dating tuloy eh ang hirap niya ma-reach.
"Hi!!! Patabi ^__^ Makikitambay po muna ako ah. Wala kasi yung ibang mga baliw eh, busy sila." Palusot ko sa mga classmates niya para kunwari wala akong choice na sa kanila ako sasama.
"Haha. . Sure.." Sagot lang naman nila.
"Hi Friend! Kamusta?" Tanong ko kay Labs.
"Haha. . eto ok lang Friend. Kamusta lakwatsa niyo nung isang araw? Napalayo ata kayo ah." Tanong niya din naman habang pinipigilan ang umuusbong na malapad na ngiti.
"Yep! Saya! Daming magaganda ^__^" pagsisimula ko sa kwento ko pero napansin kong napasimangot siya. Minsan natatawa na lang ako sa isip kasi ang bilis niyang magselos.
"Andaming magagandang lugar. Ang ganda din nung mga puno, ansaya akyatin. Ang ganda din nung masukal na daan, feeling mo nawawala ka. Selosa ^__^" pagpapaliwanag ko pero bulong na lang yung huli.
"Ahhhh ^__^ Kala ko naman kung ano." Sabi niya.
As if naman maghahanap pa ako ng iba eh siya lang naman gusto ko.
BINABASA MO ANG
Kathang-isip at Katotohanan
AléatoireKathang isip nga at Katotohanan. . Yun na yun .. Basta. . hahahah