"The way we met like this,
If its NOT FATE and if its A COINCIDENCE,
Even though its embarrassing,
I want to say its A MIRACLE"
-GFriend, TRUST-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
Pinapanuod ko yung mga sasakyan na dumadaan, sari-sari at ang dami. Umagang-umaga palang, wala pang alas-sais, at puno na ang daan. Puno na din ang kalsada ng usok na galing sa mga ito. Andito ako ngayon sa isang overpass habang tulalang nakatingin sa kanila. Mainit dito at mausok pero hindi ako umalis sa pwesto. Pinagpatuloy ko parin ang pagmamasid sa mga nasa paligid habang paulit-ulit na bumubuntong hininga. (Excuse the term kasi di ko yan sure. . Hahahah)
Tumalikod ako sa mga sasakyan at tumingala sa langit. Nakapapasong sinag ng araw ang bumulaga sa akin. Itinapat ko ang aking kamay sa aking mukha upang matakpan ang aking mga mata mula sa araw. Maganda ang panahon, maliwanag ang araw at hindi makulimlim, tamang-tama para lumabas at mamasyal.
Araw ngayon ng isang taong importante sakin, November 07. At tulad nitong mga nakaraang taon ay walang mintis kaming nagkikita. Madami kaming planong gawin. Madami kaming gustong kainin at puntahan. Magiging masaya ang araw na ito.
Bzzzzzzzz Bzzzzzzzz Bzzzzzzzzz
Nag vibrate ang phone ko.
Message:
Gising na ako. Ikaw?Nangiti ako syempre ^__^
Ako: Hulaan mo. . hehe
Message: Kagigising mo ba?
Ako: Hinde, nananaginip pa ako. Ayoko nga magising eh. . hehe
Nag-cringe ako sa kakornihan ko, pero ano magagawa ko kung totoo yun?
Nag-vibrate ulit phone ko at tiningnan ko yung message.
Message:
Tuloy tayo ah. Bawal mang-indian.
Prepare na ako. Gustong-gusto na kitang makita T__TAyyyyyyyyyy. . . .Gustong-gusto din kitang makita, pero hindi sapat na isend lang yan sayo, gusto ko personal na sabihin.
Ako:
Bilisan mo. . .May sasabihin ako mamaya.Pinagpatuloy ko parin ang pagpapalipas oras sa overpass. Lalong dumami ang mga sasakyan at lalong naging mausok dun pero di ako umalis. Kahit nayuyugyog yung kinatatayuan ko ay di ako nagpatinag at nanatili parin duon.
Tiningnan ko ang orasan, magaala-siete na at hindi pa ulit tumutunog ang phone ko. Naghahanda pa siguro siya.
Inilagay ko ang earphones ko at pinatugtog yung paborito kong kantang huli niyang kinanta sakin.
TRUST (GFriend)
"The way we met like this,
If its NOT FATE and if its A COINCIDENCE,
Even though its embarrassing,
I want to say its A MIRACLE"
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Nagkaraoke kami minsan nuon at yan ang kinanta niya sakin. Naadik na ako sa kantang yan since then. Punong-puno kasi ng damdamin. Naiyak pa nga siya nung kinakanta niya yan eh. Yan pinaka-gusto kong linya, kasi sa dinami-dami ng tao dito sa mundo eh nagkakilala kami.
Pano na nga ba kami nagkakilala?
Nagkasabay kami sa jeep isang hapon, tulad ng lahat ng kasabayan namin nung time na yun. . hahahah. . akala mo kakaiba noh?!. . hahahahPauwi na ako noon galing school, ganun din siya. Magkaiba kami ng school nga pala.
Kakaiba nung time na yun, kasi may sumakay na matandang babae na sumisigaw. Akala namin may kaaway siya mula sa labas kasi todo sigaw siya. Hindi siya tumitigil sa pagsasalita ng masasamang salita at pati yung mga driver eh sinabihan niyang sana mamatay na. Buti nga at di siya pinababa ni kuya eh. Anyway, so ayun nga may matandang salbahe at siya yung kawawang katabi na recipient ng malakas na boses nung matanda. One time nga muntik pa siyang suntukin at nagflinch pa siya sa takot. Awang-awa ako sa kanya nuon. Buti na lang at bumaba din agad yung lokong matanda. Nagkatinginan kami nun kasi nasa harap lang niya ako nakaupo tapos nagkangitian kami kasi pareho ata kami ng naisip, "Buti na lang bumaba na siya." . . .hahahah
BINABASA MO ANG
Kathang-isip at Katotohanan
عشوائيKathang isip nga at Katotohanan. . Yun na yun .. Basta. . hahahah