Catherine's pov
Paggising ko nasa kwarto na ako tapos iba na rin yung damit ko.The last thing I
remeber........O_____O.......agad akong bumaba,sinalobong naman ako ng yaya namin.
"Good morning ma'am" bati nito sa akin.Palagi naman kasing wala ang parents ko,kaya mga yaya
ang palagi kong kasama.
"yaya sino ang nagdala sa akin dito?"
"Si Mr.Lovino daw po ang pangalan niya." napangiti naman ako kaagad pagka banggit ng pangalan
na yun."ahh ganon ba." babalik na sana ako sa kwato ng may biglang
"Mukhang masaya ka ngayon ahh." napatingin naman ako don sa nagsalita
"Lola!?kailan ka dumating?"
"Is that how you say 'welcome back Lola'?" ang arte talaga nito kahit kailan.Si Lola Emerald ang
mama ni papa,kahit 59 na siya parang 32 lang tignan.yan ang lola ko,forever young ^__^"Sorry,welcome back lola."
"OMG,anong nakain mo at sumaya ka ngayon?" si lola,kahit noong panahong cold ako sa
maraming tao,hindi pa rin nag sawa sa akin,palagi niya parin akong kinakausap at pinapasyal
kahit na minsan lang akong magsalita sa kanya.
"Wala lang."
"Hmmmm.Yung batang lalaking naghatid sayo kahapon,infairness gwapo siya."eto talagang si lola,dinaig pa ang teenager
"Lola,private property po yun."
"Wow,boyfriend mo yun?" wow,biglaan yun ahh,naka hot seat agad ako.
"Hindi pa po."O_________________O
"Anong HINDI PA PO?,You mean malapit muna yung maging boyfriend?"
"hahaha,hindi naman sa ganon lola,basta hindi ko po siya boyfriend,don't worry kong magiging
kami man,ikaw ang una kong sasabihan." nagsimula na akong maglakad patungo sa kwarto ko
nung nagsalita na naman siya.
"kung siya ang rason kong bakit ka naging masayahin ngayon at kong bakit ka ngiting ngiti ngayon
at kong bakit ka hindi na parang ice,gusto kong kasalan na!!!"O___________________O
"LOLA!!!"
"^_________________^V I'm just so happy for you apo,sige magbihis kana at baka ma late
kapa,ayaw pa naman ng mga lalaki sa mga late na babae."Wow ha!! expert,naligo na ako at nagbihis.It's been 6 years mula nong mamatay si Lolo,pero nung
namatay siya,hindi ko nakitang umiiyak at parang walang buhay si lola,simula nong namatay si
lolo,mas naging alive pa siya,minsan na ngang pumasok sa isip ko na baka,masaya siya dahil
wala na si lolo,pero mali pala ako,Naging ganon si lola,para matakpan ang pangungulila niya kay
lolo.Naging matapang si lola,sa loob ng anim na taon na wala sa tabi niya si lolo,kaya nga hanggang
hangga ako sa kanya.She is a very very very brave women,hindi niya hinayaang masayang ang
buhay niya dahil lang sa pagkawala ni lolo,hindi katulad ko,na simula nong nawala si Rick,naging
cold na ako sa ibang tao,at hindi ko na napansin ang mga taong nagmamahal sa akin.naging pabaya na ako pero ngayon yung lalaking pinaka ayaw ko,yung lalaking pinaka hate ko,siya
pa yung lalaking nag melt sa coldness ng puso ko,binago lahat ni Lovino,ngayon hindi na ako
nakakaramdam ng pangungulila sa tuwing naalala ko si Rick,hindi na ako nalulungkot at ngayon
tanggap ko na,tanggap ko na wala na talaga siya,na hindi na siya babalik.Eto pala ang sinasabi
nilang totoong pag-ibig,Yes!!Rick Razor Louie is my First Love but Lovino Gabriel is my True Love.
BINABASA MO ANG
Mission:Make the Ice Empress Fall
Teen FictionSi Lovino Gabriel Alvares ay kilala bilang isang tibong nerd,walang ibang pumapansin sa kanya kundi ang kanyang bestfriend lang na si Dylan,hanggang sa may isang nakakahiyang nangyari sa kanya na may connection kay Catherine Caitlin Cruz,ang pinakam...