Entry 1~

70.7K 902 327
                                    

Hello po! Gustong-gusto ko po kasi ang Diary ni Eya/Panget kaya gumawa po ako ng fan fiction! Kahit po hindi po ako kasing galing ni Ate Denny magpakilig at kahit hindi ko rin po kayang gumawa ng story kagaya ng Diary ni Eya, sana po ay magustuhan niyo ito!

------------

Cross' POV:

Naglalakad kami sa park ngayon. Wala masyadong tao.. Magka-holding hands. Bakit? Masama ba? Di ba boyfriend niya ako at girlfriend ko naman sya? Wala ng kontra. Sapak gusto niyo?

"Eya.."

"Bakit?" Nag-smile pa siya sa akin. Oo na! Your smile makes my day complete.

"Do you love me?"

"Syempre naman!"

"Pero..." medyo naka ngiting sabi ni Eya.. Hala!? Ano yun?

"Pero!?"

"Mas mahal ko siya.." Tinuro niya yung lalaking kumakaway sa may kalayuan, binitawan ako ni Eya at tumakbo sa lalaking yun.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman  Teka! Bakit ba ako nandito!? Hahabulin ko siya!

♪♫♪ Here we go, come with me
There's a world out there that we should see
Take my hand, close your eyes
With you right here, I'm a rocketeer

Let's fly...
Up, up here we go, go
Up, up here we go, go
Let's fly...
Up, up here we go, go
Where we stop nobody knows, knows ♪♫♪


"Oh shit. A nightmare." What does it mean? I think that nightmare has an important message.. But.. What is it?

Tuesday nga pala ngayon kaya nandito sa bahay si Eya.. Grabe.. Gusto ko siyang makita.. Bwisit na panaginip iyan. Pinag-aalala ako! Tsk. May pasok pa pala.. Ang hirap maging estudyante!

Pagbukas ko ng pinto.. Si Eya.. Parang kahapon lang nagkita kami pero miss ko na agad siya dahil sa bwisit na panaginip na iyon. Hindi naman siguro magagawa sa akin ni Eya yung napanaginipan ko..

"Good morning!" sabi ko sa kanya with matching smile pa ah! Mahal ang pag smile ko noh! Buti nga binigyan kita ng free eh.

O__O

Teka, bakit ganun yung reaction niya?

"Bakit ganyan 'yang mukha mo? Ang aga aga. Mata mo luluwa na! Ngayon ka lang ba nakakita ng poging lalaki kahit bagong gising pa lang? May muta ka pa kadiri ka." Paano ba naman? Biglang lumaki yung mata niya.. Anong nangyari sa kanya?

"Grabe! Ang hangin dito!!!  Ikaw nga may panis na laway pa! Ikaw ang kadiri!" pinunasan ko yung bibig ko.. Wala naman ah!

Diary ng Panget (Fan Fiction!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon