Eya's POV:
Nasaan kaya si Cross? Ano kayang nangyari sa kanya? Kumain na kaya siya? Nakatulog kaya siya kagabi? Ako kasi hindi eh.. Sino ba kasi yung kausap niya kagabi? Babae ba yun? Nung marinig ko yung boses niya na sobrang sincere, nasasaktan ako.. Hindi ko alam kung bakit!! Bakit ba ka----
"EYAAAAAAA!!!"
"Grabe naman Paul.. Parang magkatabi lang tayo ah.. Kung makasigaw wagas? Walang bukas?"
"Sorry naman.. Kasi naman eh.. Kaninang umaga ka pa kaya ganyan.. Kahit ngayong uwian ganyan ka pa rin! Yung mata mo namamaga.. Kanina ka pa tulala.. Nag-aalala lang naman ako sa'yo eh.." Ha? Uwian? Sure ba siya? Kakapasok ko lang uwian na agad? Tumingin ako sa mga mata niya.. Bigla naman niyang iniwas yung tingin niya sa akin..
"Ah eh.. Diba kaibigan mo ako? Nag-aalala lang naman ako sa'yo.. Kapag may problema ka, nandito lang naman ako oh! Nasa tabi mo palagi.. Pwede mo akong kausapin anytime, anywhere!" Eh? Ano bang sinasabi niya? Tinaas ko ang isa kong kilay..
“Anong sinasabi mo? Ano ka ba? Uwian na ba? Weh? Joke yun? Kakapasok ko lang uwian agad? Suspended?”
“Kanina pa kaya dismissal.. Nakatunganga ka pa rin kaya..”
*tingin sa kanan* *tingin sa kaliwa*
=_=
Oo nga.. Wala ng tao..
“So Ms.Eya Rodriguez.. Pwede na ba nating gawin yung project natin?” =_= Malapit na nga pala ang pasahan nun..
♫♪♫ Here we go, come with meThere's a world out there that we should see ♫♪♫
Eh? May tumatawag? Sino naman kaya yun?
*kuha ng cellphone sa bulsa* *tignan ang scre--*
O_____O
*kusot mata*
^___^
"Hello!" Yieee!! Tumawag ang lovelife ko!!! Palakpakan niyo ako!!! Whooo!! Party party tayo! Kakausapin niya ako!!
"Pumunta sa ***** restaurant, mamayang five o'clock."
"C---"
toot.toot.toot.toot.toot.toot.toot.
Eh? Binaba agad? Narinig niyo yun? Narinig niyo? Magde-date daw kami!! WHOOOO!! ANG SAYA NG ARAW!!
Kinuha ko na ang bag ko.. Hindi ko na inayos ang gamit ko.. Wala namang nagalaw diba? Tumayo na ako sa upuan ko at lumakad palabas ng room!! Matutulog ako!!! Oo.. Matutulog ako para naman mabawasan ang eye bags ko.. Excited na ako!!
"Eya! Sandali lang! 14 na ngayon oh!!! Sa 18 na kaya nating ipapasa yung project!! Eyaaaaa!!" Anong sabi niya? 14 ngayon? Lumapit ulit ako sa kanya..
"14 ngayon? Weh?" tanong ko sa kanya..
"Oo. Kaya dapat na nating gawin yung project natin.." Hindi ako pwede ngayon!! May date kami ni Cross!! Paano toh!?
"Ah eh Paul, masakit ehh.." sorry Lord!! Magsisinungaling na naman ako!
"Ha? Anong masakit sa'yo? Ulo? Tiyan? Tuhod? Balikat? Binti? Alin?" =_=
"Hindi ako.. Yung Auntie ko kasi maysakit! Walang magbabantay sa kanya!"
"Sama ako! Tayo mag-alaga sa kanya!!" Eh!? Hindi pwede!
"Ha? H-hindi daw pwede eh.. Kasi daw kapag daw may sumama sa akin, lagot ako dun! Sige ah!!! Bye!!" Tumakbo na ako papalayo sa kanya!! Whooo!! Ang saya! May date kami!! Ano kayang pwedeng iregalo sa kanya? 14 ngayon!!! Fourteen!! 1-4! Regalo? Ano ba?
BINABASA MO ANG
Diary ng Panget (Fan Fiction!)
RomansPaano kung magka LQ ng bonggang bonga si Cross at Eya? Anong mangyayari sa relationship nila? Paano kung may epal ulit na manggugulo ng bonggang bonga? Maaayos pa kaya nila ang problema nila? O tuluyan na silang maghihiwalay?