Entry 5 ~

3.6K 83 52
                                    

Paul's POV:

"I'm sorry Eya. Sinabi na sa akin ni Chad at Lory ang lahat. Akala ko kasi hindi mo na ako mahal.. Akala ko kasi pinapalit mo na ako sa mukang pwet na yun.. Sorry kung nasaktan kita.. Ikaw kasi eh.. I love you CB ko.." Sabi ni Cross kay Eya.

"Kasi naman eh.. Hindi naman kita ipagpapalit.. Peste naman eh.. Mahal din kita..."

Bigyan nyo ako ng popcorn! Ang sarap manood ng horror movie na toh. Tae. Yung babaeng gusto mo, nakuha na pala ng ibang tao. Nakakatakot tong movie na toh. Peste. Sa sobrang takot ko, nanginginig ako. Nakakabanas. Muntik ko nang mabitawan ang mic na hawak ko Tae. Bakit ba ako pumasok sa laban na toh? Eh alam ko namang ako ang talo?

Ang tanga ko! Pakibatukan nga ako!

"I-I'm very s-sorry for the interuption. Hmm. I will sing the next song for you..."

Nakakabanas talaga! Ang bigat ng pakiramdam ko. Tsk. Pati tong concert ng Blue Megahertz, nasira ko. Tsk.

" ♪♫♪ Langit na muli

Sa sandaling makita ang kislap ng iyong ngiti

May pag-asa kaya

Kung aking sasabihin ang laman ng damdamin.."

Yung ngiti mo kanina.. Ang sarap sa pakiramdam.. Kaso nga lang, ang nasa likod ng napakatamis na ngiting iyon..

Ay hindi ako.. Ang saklap lang...

"Pinipilit mang pigilin na ika'y aking isipin,

Wala na yatang magagawa..

Sana'y hindi ipagkait sa 'kin ang sandali

Na masilayan ka at marinig man lang ang tinig.."

Salamat sa kaunting oras na binigay ng Diyos para makasama kita Eya.. Sa panahong iyon, nalaman kong hindi sayang ang pagmamahal ko. Dahil isa kang taong karapat-dapat mahalin. Salamat sa oras mo!

"Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka.."

Sobrang bigat sa pakiramdam. Yung mga tubig sa mata ko, unti-unti nang nabuo. Ganito ba kita kagusto?

"Laging wagas ang aking pagtingin... at aking pagsinta... ♪♫♪ "

Di ko napansing bumubuhos na ang ulan.. Mas hindi ko namalayan ang pagpatak ng tubig mula sa kalangitan ay kasabay rin ng pag-agos ng tubig sa mga mata ko..

●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●

Eya's POV:

Sweet namin ng halimaw na yun noh? Haha. Bakit? May angal kayo? Suntukan na lang oh!

*BOOOOOOGSH*

"Aray..."

Ang sakit sa paa! Natapilok ako (T_T) Tinakas nga pala ako ni Cross kanina.. Napaupo ako sa kalsada at tinanggal yung sapatos ko. Haaay. Kapagod! Tsk. Bwisit. Takbo kasi ng takbo eh! Sakit talaga sa paa!

o_O

Anong ginagawa ni Cross? Umupo rin kasi siya sa kalsada at tinanggal ang sapatos niya. Binato niya sa akin yung barko este rubbershoes nya..

o_O

"Anong gagawin ko dito?"

--__--

Sarap talagang hambalusin ng mukha neto eh. Poker face. Tumayo siya at naglakad ulit palayo. Teka.. Bakit naka medyas lang siya? Anong trip niya?

Diary ng Panget (Fan Fiction!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon