Uy! Kamusta ka! Naaalala mo pa ba ko?
Naaalala mo pa ba yung mga pangako mo?
Kasi ako , tandang tanda ko pa!
Ipapaalala ko sayo, kasi tila ba nakalimutan mo na!Ang sabi mo mahal mo ko!
Ang sabi mo aalagaan mo ko!
Ang sabi mo di mo ko hahayaang masaktan!
Ang sabi mo di mo ko iiwanan!
Na ikaw ang magpapasaya sakin tuwing ako'y nalulumbay,
Na ako'y iyong aawitan hanggang ako'y mahimbing ng makatulog.
Na Ika'y aking masasandalan tuwing nag iisa!Ano naalala mo na ba?
Naaalala mo pa ba!
natatandaan mo ba?
natatandaan mo na ba?!
kasi ako tandang tanda ko pa!
ano tanda mo ba!
Kung pano mo pinadamang di mo ko mahal,
Kung pano mo ko pinabayaang magdusa!
Kung pano mo ko sinaktan ng sobra!
Kasi ako tandang tanda ko pa!
Ngayon, ikaw ang dahilan ng pagkalumbay,
Dahilan upang mawalan ng ritmo ang aking buhay,
Ngayon, ako'y nag iisa, Asan ka na?
Nasaan ka na?!Ay! Nakalimutan ko, andun ka na pala sa malayo!
andun ka na nga pala sa bago mo!
Sa bago mong inaalagaan,
Sa bago mong iniingatan,
Sa bago mong binibigyang pagmamahal na kahit minsan hindi ko naramdaman!
Hindi ko ipipilit na ipadama mo saking mahal mo ko
Pero ! pero! tandaan mo!
Paulit ulit kong ipapamukha sayo kung sino't ano ang iniwan mo! Tandaan mo paulit ulit kong ipapamukha sayo ang pagsisisi mo!Diba tama naman ako,Nagsisisi ka.Sinisisi kita!
Nagsisisi kang iniwan mo ako, kami!
Nagsisisi ka!Magsisi ka!Sinisisi kita
Na sa tuwing tumatawag ka,
Wala kang ibang bukambibig kundi
"Gusto ko ng bumalik "
"Nahihirapan na ko ng sobra"
"Di ko na kaya"
"Nagsisisi na ako"
Pagsisihan mo ang desisyon mong iwanan kami,
Ika'y nagpakalayo, sobrang layo gaya ng paglayo ng loob ko sayo. Pagsisihan mo! Magsisi kaTandaan mo! Paka tandaan mo
Kelangan ko ng ina!
Inang, magpaparamdam ng pagmamahal.
Inang ,marunong mag aruga ng sariling anak at hindi ng iba.
Inang, hindi iiwan ang anak sa kahit ano pang dahilan.
Inang,magpapasaya sa tuwing ako'y nalulungkot.
Inang masasandalan ko sa tuwing ako'y nag iisa.Tandaan mo?Tanda mo na ba?
Naalala mo na ba?Ipapaalala ko pa ba?
Kelangan ko ng ina,Kelangan kita.Ma,Bumalik ka na.
Ma,Nahihirapan na ko ng sobra.
Ma, Di ko na kaya!
Ma,nagsisisi na kong sinisisi kita, patawad.
Patawad,Paulit ulit kong bibigkasin ang salitang patawad.
Patawad! Patawad! Patawad!
Ma,Bumalik ka na bago pa mahuli ang lahat.
Ma,Mahal kita,Bumalik ka na.Sabi nila di daw kayang tiisin ng magulang ang anak,
Pero higit na hindi kayang tiisin ng anak ang kanyang magulang.