Puso ng wasak

33 4 0
                                    

Pareho tayong wasak ng magkita,
Parehong iniwang lumuluha,
Parehong puso'y nagluluksa,
Parehong pag asa'y di makita.
Sakit na idinaan sa yosi't alak
dulot ay saglit na saya't halakhak.
laging magkasama sa gala't inuman,
nararamdama'y biglang gumagaan.
Pero di maikakaila na ang puso natin ay wasak
at tayo ay wasalak.
Dumaan pa ang oras,araw,linggo at buwan.
Ganun padin naman,tila walang katapusang galaan,inuman at kwentuhan.
Hanggang sa isa't isa'y nahulog!?
Nahulog dahil handa ng umibig o
Nahulog ng dahil sa lungkot?
Alin sa dalawa ang sagot.
Walang maisagot sa katanungan.
hayaan mo na,baka tayo'y lalong maguluhan.
Wag na nating alamin.
Ang mahalaga tayo'y nagkakaintindihan at ako'y sayo at ika'y akin.
Tayo'y magpakasaya.
Luhang napalitan ng tawa,
pagluluksang napalitan ng saya,
nagkaroon muli ng pag asa.
Pag asang mabuo ang pusong nawasak.
At sa bagong yugto tayo'y sasabak,
bitbit ang mga katagang "Salamat dahil ikaw ay dumating, tayo sana'y magmahalan sa mga araw pang darating"

Pero hanggang saan nga ba aabot ang ating relasyon at damdaming walang kasiguraduhan.
Mga tanong ng nakaraan na wala pang kasagutan.
Kelan ba maghihilom ang mga sugat ng nakaraan?
Kelan ba tayo magmamahalan ng walang pag aalinlangan?
Kelan ba mabubuo ang pusong nawasak?
Kelan ba tayo magmamahal ng buong puso?
Hanggang kelan ba tayo maglolokohan?


PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon