**Maaga akong pumasok ngayong araw ng Lunes. Excited akong makausap ang isa sa mga taong nagpapasaya saakin.
Kagabi masaya kaming nag bonding nila Mama at Papa syempre kasama ang kapatid kong si Erin na lagi akong kinukutus-kutusan buti nalang at sinusuway s'ya nila Mama.
Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko, well, nakangiti kasi ako! If you don't know me yet.. I'm a loner! Kaya nga si Verna at Errol lang ang palagi kong kasama, sila lang nakakatiyaga saakin eh!
"Iba ang aura mo ngayon girl! Ang swerte mo talaga" Bati sa'kin ni Mei, secretary ng student council.
Swerte ko talaga? Nakakapagtaka naman 'tong sinasabi ni Mei.
"Thanks!" Sagot ko nalang.
Ngumiti lang s'ya at bumalik sa paglalakad. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon, sobrang gaan! Salamat sa kutos ng kapatid ko, mukhang hindi na madilim ang aura ko. Hopefully always!
Nasa tapat ako ng dating classrom ni Ronnie, at narito ako sa corridor kung saan s'ya madalas tumambay. It's been four days, wala pa rin akong balita sakanya. Ronnie nanaman,! busy lang s'ya, siguro! Ayoko muna s'ya isipin sa ngayon. Kailangan ko ng bagong ambiance para hindi ako nai-stress.
Nagtuloy na ako sa paglalakad hanggang makasalubong ko ang taong namiss ko. Kamusta na kaya s'ya?
Ngumiti ako sakanya. "Er---"
Nilagpasan lang n'ya ako. Nawala 'yung magagandang ngiti na nasa labi ko. Nilingon ko s'ya kasi aasarin lang naman n'ya ako eh at guguluhin ang nakatirintas kong buhok.
Lumayo nalang ang likod nya, ni paglingon hindi n'ya ginawa. Nakaramdam ako ng lungkot. Akala ko pa naman magiging okay na!
**
Naramdaman ko ang paggalaw ng katabing upuan ko. Sign na nandito na s'ya sa tabi ko. Kanina pa ako nag-iisip dito sa loob ng room namin kung paano ko s'ya kakausapin. Para tuloy kami total strangers nito. Parang hindi kami magkaibigan.
Nilingon ko s'ya, seryoso s'yang nakatingin sa board. Parang hindi s'ya 'to. Nasaan na 'yung masayahing Errol na kilala ko?
"Hi Errol! Hi Zane!" Masayang bati ni Verna saamin.
Agad na ngumiti si Errol sakanya! "Ang tagal mong kulot ka! Kanina pa kita iniintay, ang boring dito wala akong makausap!"
Okay! Sabi ko nga eh! Saakin lang s'ya cold. Again, nakaramdam nanaman ako ng lungkot.
"Andyan naman si Zane, bakit di mo kinausap?"
"Sino 'yun?" Maang maangan n'ya sagot.
"Alam mo kanina ka pa ha! Hindi mo na ba talaga ako kilala?" Ako na ang sumagot sakan'ya! Nakakainis na kasi eh. Kanina n'ya pa ako iniiwasan.
"Uy, kulot! Tinatanong kita. Sino ba 'yung sinasabi mo?" Tanong ulit n'ya, hindi manlang n'ya ako tinignan na parang wala talaga ako dito. Nakakaasar! Nakatingin lang saamin si Verna, umiiling iling.
Humarap ako kay Errol. "Ano ba, Errol De Asis! Iniiwasan mo ba ako? Nakakaasar na!" Nilakasan ko na ang loob ko magtanong. Ayaw n'ya lasi ako kausapin.
Sandaling natahimik ang mga nag-iingay namin kaklase. Napalakas 'yata ang boses ko. Nakatingin sila sa eksena namin dito, usap usapan nanaman 'to, for sure!
Tinignan ako sa mata ni Errol. Naghihintay lang ako sa mga sasabihin n'ya. "Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng iniiwasan?" Tumayo s'ya at lumabas ng classroom.
Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko, wala akong pakialam basta ang gusto ko maging okay ulit kami ni Errol.
"Sundan mo na Neng! Nagdadrama lang 'yun!"
BINABASA MO ANG
Didn't We Almost Have It All?
ContoAng daming tanong na gumugulo sa isip ko.. Saan ba ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Bakit iiwan niya na ako? Gustuhin ko man malaman ang sagot mas pinanatili ko nalang na h'wag alamin dahil alam kong mas masasaktan lang ako.