Raina’s POV
*Kring*
Tumunog ang alarm clock ko, Shems 6 na pala… Kailangan ko nang magprepare for school, Hindi ako sanay na gumigising ng maaga kasi sa states usually 9 pa ang pasok or minsan afternoon class lang, Iba talaga pag pinas… Masasanay din ako.
Nang makatapos akong magprepare for school bumaba na ako ng hagdan, Nakita ko dun yung yaya ko… Siya lang ang kasama ko dito sa bahay kasi si kuya nasa america pa kasama parents namin.
“Hey yaya, Good morning” Pagbati ko sa kanya. Nasa 40’s siguro si yaya, Kinoconsider ko na din siyang pangalawa kong nanay, Mabait kasi siya sakin eh atsaka minahal niya ako na parang anak niya.
“Good morning din bhe, Eto breakfast mo oh” Nakasanayan na kasi akong tawaging bhe ni yaya, Yun din kasi tawag niya sa mga anak niya… Namimiss niya na siguro ang mga anak niya.
“Thanks yaya” I smiled at nagsimula nang kumain.
“Nagpadala pala mommy mo ng allowance mo, Eto oh… Kapapadala palang” Sabay abot niya sakin ng 3k.
“Thanks po”
Pagkatapos kong kumain hinatid na ako ng driver namin sa NEW GENERATION UNIVERSITY…
Pagkababa ko eh pumasok na ako ng University. Nakita ko namang pumasok si Kiko ng University kaya nilapitan ko siya.
“KIKO” Pagsigaw ko ng pangalan niya. Lumingon naman siya pero binigyan niya ako ng blank expression.
“Oh” Suplado naman… ‘Oh’ lang ang nasabi.
“Sabay na tayo” -Ako
“Wag na… Hindi tayo magkaklase” Then he left me. Suplado talaga, Urgh. Bakit hindi niya gayahin si Greg, Henry at Leo? Napakabait nila at gentleman.
Naglakad nalang ako papunta sa classroom ko, Section 4-B ako… Hindi ako napasama sa section 4-A dahil late enrollee na ako, Gusto ko pa naman sa higher section. So far wala pa akong kaibigan sa mga kaklase ko.
Pagpasok ko ng classroom agad akong umupo at nagbasa nalang ng libro.
“Hey new student” Lumingon ako sa katabi ko, She looks nerdy.
“Bakit?” Pagtanong ko naman.
“Simula ngayon magkaibigan na tayo ah, Wag mo akong hahayaang apihin nila, Promise mo yan” Bigla-bigla nalang niyang nasabi.
“A-Anong pinagsasabi mo?” Sa sobrang pagkabigla ko yan nalang ang nasabi ko sa kanya.
“Nevermind” Tapos back to normal na, Hindi na niya ako kinausap. Ang weird naman niya.
Kiko’s POV
“Hey seatmate” Urgh, Ang kulit naman ni Leslie eh, Sabi na ngang hindi ko siya type eh. Ang kulit talaga.
Hindi ko nalang siya kinibo at naupo nalang ako. Hindi din naman nagtagal nagstart na ang klase namin. As usual boring padin, Paano kaya ako nakasurvive from school all these time? Siguro dahil kay Reina… Naging inspiration ko siya sa pag-aaral.
“Hoy Bro, Libre mo na kami ng pagkain kanina pa kasi kami nagugutom eh… Sino bang hinihintay natin?” Pagtatanong ni Henry kay Greg. Nandito kami sa canteen at nagrerecess. Actually kanina pa namin recess pero hindi pa kami nakakabili ng pagkain kasi sabi ni Greg ililibre niya daw kami eh… Kaso may hinihintay pa siya at pag dumating na ang hinihintay daw niya.
“Oo nga sino bang hihintay natin dre?” Pagtatanong ni Leo kay Greg.
“Si Raina” Sinabi niya.
“Wow dre, Ang lakas pala ng tama mo kay Raina… Hanep” -Henry
“Hahahaha… Oo eh, Kaya lang dumadamoves muna ako… Baka mabasted eh, Mahirap na” Sinabi niya. Nakita ko namang kapapasok lang ni Raina ng canteen. Mag-isa lang siya, Bakit kaya wala siyang kaibigan? Hay… Baka suplada. ./.
“HI RAINA” Sigaw ni Greg nang makita niya si Raina.
“Ahh Hi Greg” Tapos nagwave siya kay Greg. Sus pacute pa eh, Type din naman si Greg.
“Sabay ka na saamin magrecess, Itetreat kita” -Greg
“OY ITETREAT MO DIN KAMI NOH” -Henry
“Oo na” -Greg
“Ahh nakakahiya naman” -Raina
“Hindi ah, Band mates mo na kami kaya wag ka nang mahiya” -Greg
In the end nilibre kami ni greg syempre mas marami siyang nalibre kay Raina. Grabe, Halatang halata na ang gago na may gusto kay Raina eh
“Greg salamat sa libre ha, I need to go kasi may klase pa ako… Bye greg, Bye guys” Tapos umalis na siya.
“Grabe dre, Nakakainlove siya” -Greg
“Halata nga dre eh” Nagsalita na ako. Ang boring kasing maging tahimik eh.
“Finally… Nagsalita ka na din. Hindi ba napapanis laway mo Kiko sa katahimikan mo?” -Leo
“Psh” -Ako
“Joke lang. Meron ka ba kiko? Ang suplado mo eh.. Moodswings mo” -Henry
“Moodswings? Di ako babae gago… Ginawa mo pa akong bakla eh” -Ako
“Magmumurahan nalang ba kayo diyan? Tara na… May klase pa tayo” -Leo
~
Pagpasensyahan ang chapter. :D Bagsak na ang mata ko… Feeling ko ang bigat ng mata ko pag ipinipikit ko eh. Sheyre lang…
Xoxo,
Gianne