Sai's
Shet this is it! Pansit! Magkikita na naman kami ni Jinhwan ko today kaya sobrang aga kong nagising. 6am palang bumangon na ko, malayo sa oras na usual na paggising ko. Nakahanda na sa isang bag ang lahat ng dadalhin ko. Ang kailangan nalang eh mag-ayos sa sarili ko.
Pagtapos kong naligo kumain ako ng breakfast syempre. Yung madami-dami dahil paniguradong mahabang oras ng paghihintay ang gagawin namin bago ko tuluyan masilayan ang future husband ko.
"Tita si Sua po?" Tanong ko sa mama ni Sua. Sinusundo ko talaga sya kapag may event kaming pupuntahan para payagan sya ni tita.
"Nasa taas pa teka tatawagin ko lang. Upo ka muna dyan Sai." Umupo ako pagkaakyat ni tita. Maya-maya dumating narin si Sua. Aba! Naka-make up ng bongga si ati mo gurl!
"Saan ang debut teh?!"
"Gaga tara na baka maunahan na tayo sa pila." Oh diba hindi lang ako ang atat makita ang iKON. Sya din! 10am pa kaya yung opening ng mall pero 7am palang pipila na kami sa labas.
"Wala ka na bang nakalimutan? Yung panty mo baka naiwan mo Sua-"
"Leche ka talaga bby. May panty ako! Hayaan mo mamaya malalaglag na naman to pag nakita ko si Chanwoo." Landi amp. Tinawanan ko sya pagkasabi nya nun. Well ako din naman, di ko idedeny na makalaglag panty talaga ang iKON.
Sumakay kami ng taxi para ihatid kami sa mall. Walking distance lang yun pero ayaw maglakad nitong kasama ko dahil baka matunaw daw yung make up nya. Pagkabayad namin kay manong driver, laking pasalamat namin na wala pang ni isang tao sa labas ng mall. Nagtatakbo pa kami papunta sa entrance at dun umupo.
"Kung alam ko lang na sasalampak tayo dito sa lapag hindi na sana ako nagdress ng ganito!" Angal ni Sua. Paano ba naman kasi, nakafitted dress sya na sa gitna ng legs nya yung haba tapos may black stockings sya na hanggang tuhod nya.
"Alam mo namang sa fanmeet tayo pupunta tapos nagsuot ka ng ganyan. Adik ka rin no? Ano ka feeling Black Pink member?!" Sagot ko sa kanya. Feel nya yata fifth member sya ng Black Pink kaya nanggaya ng porma na naman ang isang to.
"Eh syempre para maimpress ko si Chanwoo!"
"Bby wala nang mas iimpress pa kay Shannon para kay Chanwoo. Alam mo naman yun diba. Tignan mo ako, nakashirt and jeans lang." Gusto ko rin naman magpaimpress kay Jinhwan pero simplicity is beauty diba? At tsaka yung pinapaimpressan ni Sua taken na. Syempre wala nang effect yun.
"Ay ewan ko sayo. Manahimik nalang tayo dahil parang tanga tayong nagtatalo sa pormahan ko." Sumandal sya sa salamin na pinto at nagheadset.
Ang tagal pa naming maghihintay pero para kay Jinhwan ko! Kaya kong maghintay kahit isang buong araw pa or forever.
Maya-maya medyo dumami na kaming nakapila dito sa may pinto. Kagaya namin ni Sua, mga iKONICS din sila. Halata ba naman sa porma pati sa dala nila eh. Malapit narin mag-10am kaya nangangatog narin ako! Tumayo na kami ni Sua para iwas ang mangdamba dito sa entrance. Aba kami ang nauna kaya dapat kami ang una ring papasok! Bawal ang singit! Ang sumingit magiging kasing itim ng singit!
Eto naaaaaaaa! Pagkabukas ng pinto nagtatakbo kami ni Sua papunta sa event stage. Pumila kami sa magkabilang side para sure.
"Ang aga ng mga batang ito ah? Pero mga ija doon ang pila oh." Bumagsak ang mga balikat namin nung may nakita kaming sign na 'Fall In Line Here'. Pakshit na malagkit. Atat na atat pa kaming sa unahan parin kami sa pila pero aaaaaaahck! Marami nang nakapila sa linyang yun. Yung kasabayan namin sa labas. Yung mga nasa likod namin. Pakshet naman bakit ganito?! How painful is this life! Bagsak na balikat kaming naglakad patungo sa pilahan. Tahimik kami ni Sua. Akmang pipila na kami sa pinakadulo nung tinawag kami ng staff. Eh?
BINABASA MO ANG
stalker 【epistolary #4】
Nouvellesstalker ni ultimate bias to crush ni ultimate bias real quick? epistolary series #4 start: 09-26-17 fin: 01-06-18