Sai's
Gaya ng nakagawian ko, pumunta kami ni Sua sa fansigning event ng iKON. Hindi man maganda ang sitwasyon namin ng ultimate bias ko, nandito naman si Yoyo para mapaganda ang araw na 'to. Hinanda ko na agad yung camera ko habang nagsasalita ang MC sa stage.
"Ladies and gentlemen! iKON!"
Napuno ng hiyawan ang mall. Simula first floor hanggang third floor. Iba parin talaga ang epekto ng iKON dito sa Korea.
"Get ready! Showtime! Annyeonghaseyo urineun iKON imnida."
Pagkatapos ng introduction nila ay umupo na sila sa kanya kanya nilang pwesto. May table naring nasa harapan nila. At dun ako kumuha ng timing para picturan sila isa-isa.
Matagal-tagal din ang hinintay ko bago ako nakarating sa stage. Kinakabahan din ako sa magiging kalalabasan nito. Si Bobby ang una, sumunod si Donghyuk, Junhoe, si Yunhyeong, si Hanbin, si J-Jinhwan at Chanwoo.
"Dumating ka nga. Akala ko hindi kita makikita dito." Sambit ni Yunhyeong habang nagsusulat sya sa album.
"Syempre I keep my promise. Tumutupad ako sa usapan." Nginitian ko sya, at kasabay nun ang paglahad nya ng mga kamay nya.
"Give me your hand." Ginawa ko yung utos nya. Pero nagulat ako sa ginawa nya, kinuha nya kasi yung kamay ko at nilagay sa mukha nya yung para bang I'm cupping his cheek. "Gwapo ng bias wrecker mo diba? Yaan mo magseselos yan si ultimate bias mo dahil dito."
Natawa ako sa kinakana ni Yunhyeong, ang daming alam eh. Nilagpasan ko na ulit sya para magpapirma pa sa ibang members hanggang sa makarating ako sa kanya, kay Jinhwan.
"Name?"
"Saiyen." Walang emosyon kong sagot sa kanya. Alam kong may sasabihin pa sya sakin pero hinigit ko na agad yung album ko para makalipat na ako kay Chanwoo.
Call me rude pero wala akong kasalanan dito, he's the one who asked me to stay away from him. Ginagawa ko lang kung ano yung sinabi nya. Ramdam kong may nagbulungan na fans dahil sa ginawa kong yun. Magalit na sila sakin, wala akong pakialam. Dun sasaya si Jinhwan eh! Maniwala kayo.
Nagmadali akong umalis sa stage pagkatapos pumirma ni Chanwoo pero nagulat ako nung may dalawang guard ang humarang sakin kaya napahinto din si Sua dahil dun.
"Kuyang guard bakit ayaw nyo palabasin yang kasama ko?" Tanong ni Sua na mukhang natatakot na. Nakita nya din kasi yung ginawa ko kay Jinhwan. Ito ba yung consequence nun?
Hindi nagsalita yung mga guards at bigla nalang kami pinasok sa backstage. Hala gago seryoso ba 'to?! Iniwan kami nung guards, para kaming tanga na pinagtitinginan ng mga staffs kaya nagbow nalang kami sa kanila.
Narinig ko nang nagpaalam ang iKON sa lahat pagtapos ng ilang minuto naming pagpasok sa backstage.
"Nice show! Nice show!"
"Good job man-"
Naririnig ko na silang nag-iiyang sa may pintuan palang. Shiet. Bakit ba kasi kami pinasok dito sa backstage? Sinong nagpadala samin dito?
"Tangina bby andyan na si Chanwoo huhu. Pwede kaya tayong magpapicture sa kanila?"
"Di ko alam bby. Bahala na."
Sumarado ulit yung pinto ng backstage pero may isang taong huminto sa harap namin ni Sua.
"Oh! Nandito na pala kayo. Tara dito." Aya samin ni Yunhyeong. So sya yung nagpadala samin dito?!
"Yo ano 'to? Ikaw ba nagpadala samin dito?" Pabulong kong tanong sa kanya.
"Oo. Para naman magkaselfie tayo. Unfair kasi if makikita ng ibang iKONICS na nagselfie tayo sa labas kaya dito nalang."
Sa pagkakaalam ko wala namang selfie na kasama sa fansigning na 'to. Anong trip ni Yunhyeong?
Pinakilala kami ni Yunhyeong sa iKON na para bang kaibigan nya kami. Mygahd. Anong nakain ni Yunhyeong at nagawa nya 'to?
"Gusto nyo bang sumama samin, kakain kami sa labas."
Ifhrngjsksknrjeis nagwawala internal organs ko sa offer ni Yunhyeong pero nakakahiya na yun. Tinignan ko si Sua na binibigyan ako ng look na tanggapin ko na. Gustuhin ko man pero nakakahiya talaga.
"Ah eh hindi na Yo, ayos lang kami ni Sua. Kailangan na namin umuwi eh. S-salamat pala sa pagpapapasok mo samin dito ah? The best ka talaga!"
"Ay ganun ba? Sige, sa susunod nalang siguro. Ingat kayo sa pag-uwi ha? Bbye!"
Pagkalabas namin ng backstage hinampas agad ako ni Sua.
"Bakit ka tumanggi!!!? Nakakainis ka naman bby ayun na opportunity natin makadinner date ang iKON tas tumanggi ka pa." Nandun kasi sya.
"Hayaan mo na, isa pa nakakahiya talaga."
"Nahihiya ka or ayaw mo lang makita si Jinhwan? Iba ka din gurl ha, ikaw lang yata yung may ayaw makasama ang ultimate bias nya. Mygahd. Tara na nga't umuwi! Baka di ako makapagtimpi bumalik ako sa backstage."
——
[a/n: happy new year ikonics! 100% confirmed na raw comeback ng ikon sa january omfg im so eggzoiteeeeed. a great memory to start the new year is ikon's comeback. our boys will slay again.]
BINABASA MO ANG
stalker 【epistolary #4】
Historia Cortastalker ni ultimate bias to crush ni ultimate bias real quick? epistolary series #4 start: 09-26-17 fin: 01-06-18
