END

285 3 0
                                    

"Get ready? Showtime! We love you iKONICS, we'll still reach the sky together without limit right? This has been iKON, thank you!"

Parehas kaming umiiyak ni Sua ngayon. Ilang taon na ang lumipas? Its been 20 years since iKON's debut. Ilang taon ko silang sinuportahan hanggang sa huli. Masakit mang isipin pero nandito kami ngayon kung saan ginanap yung huling concert na magkakasama yung favorite kong boy band. Lahat sila sobrang succesful na. Nakakaproud.

Si Hanbin, isa nang sikat na music producer. Nagtayo sya ng sarili nyang music label. Sya gumagawa ng kanta ng mga sikat na kpop group ngayon. Si Bobby, ayun hiphop rapper parin. Mentor na sya ngayon sa Show Me the Money at tinitingala ng mga mahihilig sa k-hiphop. Si Yunhyeong, isang ganap na chef na sya at may sarili nang restaurant sa iba't ibang bansa. Nakakatuwa, nakuha nyang maghandle ng ganung kadaming branch per country. Si Donghyuk naman may sarili nang dancing studio. Sikat na sya internationally dahil sa mga choreographies nya.  Si Junhoe, ayun kinasal na sa isang F2NE1 member, si Jinny Park. May forever na yata sa kanila, nung dati parang shiniship lang namin silang dalawa. We never expected na magiging totoo naman pala. Si Chanwoo, isa pang kasal narin! Mga nagpatunay na may forever, sila nung long time girlfriend nya si Shannon Williams. Pero wag kayo, actor Chanwoo na ulit sya!

At si Jinhwan..

"Ay nako Jinhwan! Patahanin mo yang asawa mo ah? Napaka-iyakin. Akala mo naman hindi nya na kayo makikita kahit kailan?!"

Nilapitan ako ni Jinhwan dito sa backstage. Oo sa backstage lang kami nanood. Nakakainis nga kasi ayaw ba naman kaming panoorin ng live!

"Umiiyak ka na naman? Ikaw talaga. Tahan na makakasama sa baby natin yan eh. Pasensya ka na Sua ah, alam mo naman tong kaibigan mo buntis na." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ikaw kasi hindi mo man lang kami pinalabas para mapanood kayo ng live. Sawang sawa na kami sa tanang buhay namin na puro sa tv lang kayo napapanood. Tapos ito na ngang last concert nyo di nyo pa ako pinagbigyan?" Angil ko kay Jinhwan. Wala akong pakialam kung maingay ako dito sa backstage. Kasalanan ni Jinhwan eh!

"Ikaw kasi Jinhwan hyung di mo pa sinama dun sa Saiyen, ayan tuloy nagagalit sayo." Sambit ni Hanbin habang nakatingin samin.

"Magtigil nga kayo. Mas lalo nyo lang tini-trigger eh. Lagot na nga ako nito pag uwi eh."

Oo.. Dati tinanggihan ko sya. Tinapos ko yung kung anong meron sa aming dalawa pero mapilit sya eh! Syempre sino ba naman ako para bastedin yung ultimate bias ko diba?

Kaya eto ako, ako ang nagwagi!

END.

stalker 【epistolary #4】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon