Chapter 1

2 1 2
                                    

Boyfriend



"What the hell Vanescka Euzyll! What was that?" sigaw saakin ni Kuya Vanjo pagkauwi namin sa bahay, nakapalibot silang apat saakin, kung makatingin itong mga ito para akong nakapatay ng tao!



"He's not my b-boyfriend" nakayukong sabi ko habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.



Natatakot ako sa mga kuya ko, daig pa nila si puji kung magalit e, speaking of puji and muji nasa labas na ata sila! May bumubusina sa labas ng gate e! Help me Lord!



Lahat kami ay nag-aabang kila muji at puji na pumasok sa pintuan at nung pumasok na sila, doon na dumagungdong ang dibdib ko sa kaba.




"Wow kumpleto ang mga baby natin Honeybunch!" lumapit agad sila kuya kila muji at puji at humalik sila sa pisngi.



"Oh! Bakit wala akong kiss sa babygirl ko?" napansin naman agad ako ni muji at umupo din siya sa tabi ko, hinawakan niya ang likod ko na tila ba lungkot na lungkot.



"Honeybunch! Baka naman pagod lang siya sa date nila ni Emmanuel!" pinapaalala pa ni puji e.



Di na tuloy ako nakapunta sa birthday ni Kylie! Di bale, mamayang gabi naman may after party siya, doon na lang ako pupunta.



"Muji, Puji, yang babygirl natin may boyfriend na!" nakapikit ako ng bigkasin ni kuya Vanjo sa harap nila puji at muji yon.



Di ako handa kuya! Nakakayamot ka!



"What?!" sabay na sigaw ni muji at puji"




"Is that true Vanescka?" malamig na tanong saakin ni puji. Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Puji is serious right now, he's calling my name!




"Uhhh..."



Nagvibrate naman ang cellphone ko na hawak ko ngayon.



Emmanuel calling...



Argh! Ngayon ka pa tumawag, ang galing mo talagang sumakto sa oras Emmanuel!



"Hello?" tahimik lang na nakikinig saakin ang pamilya ko. Panigurado akong maririnig nila kung ano man ang sasabihin ni Emmanuel ngayon.



["Are you at home?"] kalmadong tanong niya.



"Yes"



["I think your brothers are mad at you"] ayos ka pala e! Bakit ngayon mo lang naisip yan!



"Ano sa tingin mo? Pauso ka e ha? Anong sinasabi mo na boyfriend kita e hindi naman! Napakasungit mo nga saakin kanina e tapos biglang boyfriend! Hoy for your information Mr. Emmanuel Salas, hindi ako katulad ng mga ibang babae dyan na kung sino sino ang jinojowa!" sigaw ko sakanya sa kabilang linya, hinahabol ko pa ang hininga ko ng natapos ako, hindi ko na napigilan ang bibig ko!



["That's alraight baby"] humalakhak pa ang unggoy na ito! At ano raw? Baby?! Baby niya utot niya!



"Tigil-----" hays! Binabaan ako!
How rude Mr. Salas!



"Omy! Isa ka ng ganap na dalaga anak! May boyfriend kana!" niyakap pa ako ni muji habang kunwari naiiyak siya.



"Muji hindi ko po yun boyfriend"



"Anak okay lang yan, alam kong nahihiya ka pa syempre sa umpisa lang yan pero alam ko masasanay ka din diyan" bigla naman nagbago ang itsura ni muji ngayon naman biglang kinilig.



DestinedWhere stories live. Discover now