Ang tagal na nating magkaibigan pero di mo parin nakikita ang halaga ko
Yung mga ginagawa ko para sayo
Ginagawa ko n ikasasaya mo
Ibinibigay ko yung mga bagay na ikinasasaya mo, Kasi hindi ko kayang makita kang malungkotNalulungkot ako sa tuwing malungkot ka
Syempre masaya ako pag masaya ka
Kaya kong damayan lahat ng nararamdaman moPero hindi ko talaga nakaya nung nakahanap ka na ng katadhana mo
Halos hindi mo na ako pinapansin
Hindi mo na ako naaalalaHindi ka man lang tumingin sa paligid kung may naghihintay sayo na ibigin mo rin sya
May naghihintay sayo na pahalagahan mo naman hindi bilang kaibiganHanggat dumating yung panahon na tinanong mo ako na "ano ba tayo?!"
Nakatingin lang ako sa lapag na para bang walang narinig
Siguro nabingi ka sa sobrang tahimik at sumigaw ka ng napaka lakas "ano ba talaga tayo?!?!"
At sinigaw ko na "Mahal kita!"
Biglang tumahimik ang paligid na para bang tumigil ang mundo natinAt muli kang sumagot ng "sorry, kung itinago ko saiyo ang tunay kong nararamdaman"
Nagulat ako ng bigla kang sumagot ng ganun, hindi ko akalainAkala ko hanggang kaibigan lang tayo
Akala ko hindi ko n masasabi sayo na "Mahal kita"
Akala ko tuluyan mo na akong iiwan
Pero akala lng pala.Hanggang sa tumagal na taung magkasama at hindi na ako naiilang na sabihin sayo na "Mahal kita"