"Pangarap"

5.1K 18 1
                                    



Bata palang tayo ay nagsisimula na tayong mangarap
Mangarap para sa ating kinabukasan
Na kung ano ang maaari nating buhay sa kinahaharap

Yung iba gusto maging doctor
Baka yung isa dyan gusto maging sundalo
O maging isang arkitekto
O mamaya gusto mo lang talaga maging tambay sa kanto.

Pero may mga bagay na hindi tayo sigurado
Na akala mo magaling ka sa matimatika kaya gusto mo maging arkitekto
Na akala mo madali lang pag-aralan yung gusto mong kurso

Pero pangarap lang natin yan para sa kinabukasan
Ikaw? Sa pag-ibig may plano ka ba?
Kung sino yung gusto mong makasama habang buhay?

Siyempre lahat tayo may minamahal
May mahal kang mahal ka rin
May mahal kang di ka mahal
At may mahal kang may mahal na iba

Di ko akalain na magiging isa ka sa mga pinapangarap ko
Na sana ikaw na ang future ko
Na ikaw yung taong mamahalin ako ng lubos

Pero sa iba hanggang pangarap lang yan
At para sa mga di nawawalan ng pag-asa, ang sagot ay 'di naman masamang umasa'
May mga tao na nagkakatuluyan nila ang mahal nila
At May iba rin na nawawalan na ng pag-asa kasi may mahal na siyang iba

Sa totoo lang di naman talaga masamang umasa
Wala namang mawawala sayo kung aasa ka
Nasasaktan ka nga lang kasi mamaya umaasa ka lang sa wala

May panahon na wala ka ng magagawa kungdi maging masaya para sa kanila
Kasi pinapangarap lang naman kita
At di mo naman kasalanan kung may iba kang pangarap
Nangangarap na siya ang kasama.

——
Sobrang tagal na myghad HAAHAHA

Spoken Poetry (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon