"Hanggang dito na lang"

2.9K 18 0
                                    



Nagtagal tayo, mga... isang taon
Biruin mo yun? Isang taon akong nagpakatanga
Sa taong di naman ako kayang panindigan
Sa isang tao iniwan ako dahil pagod na siya...

Ang sakit lang isipin na ginawa mo ang lahat para sakanya
Tapos iiwan ka lang basta basta
O sa rasong hindi na niya kaya
Nga naman, sino nga naman ako para manatili ka sa buhay ko...

Alam kong nakakalason na ang relasyon natin...
Pero bakit mo ko iniwan sa rasong di mo na kaya...
Alam kong di yun ang sapat na rason para sakin
Kailangan ko lang talaga tanggapin yung rason mong napagod ka

Alam mo ba na mahal pa kita
Pero hindi na katulad ng tayo pa
Kaya pasensya at minahal kita ng ganun
Di ko lang talag kaya na mawala ka nuon

Pero ngayon palalayain na kita...
Kung dun ka talaga masaya
Makita lang talaga kita masaya, mapapanatag na akinng kalooban
Salamat sa isang taon... na puno ng pagmamahalan...

Paalam muli mahal, sapagkat ito na ang huli
Huling minsahe para sa iyo
Ngunit hanggang dito nalang...
Nagmamahal patuloy sa iyo...

Spoken Poetry (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon