Chapter 1:Beginning

208 7 0
                                    

Chapter 1:Beginning

Aisha's POV

"Ate!!! Baba ka na!! Kakain na tayo!" Sigaw ni Alexa
"Coming" sigaw ko pabalik.

Kahit kailan talaga ang ingay nitong si Alexa.. Tsk!

Bumaba na ako at dumeretcho sa dining room at nakita ko sina mama at Alexa at si lola

Oo,wala na ang aming ama at ang aming ina na lang at si Lola ang nag aalaga sa amin

"Oh...andyan ka na pala.." Sabi ni Lola at ngumiti
"Halika na at kumain na tayo" sabi naman ni mama...
Binigyan ko lang sila ng ngiti at umupo sa upuan na nakahanda para sakin

Parang ang weird nila ngayon? Something smells fishy here. I think parang may gusto silang sabihin sakin kaso natatakot sila.
Hindi sila nagsalita habang kumakain kami.

Natapos na kaming kumain at pumunta na ako sa kwarto.
Alexa goes to her room too..
Tomorrow is monday.
May pasok na bukas. Wait...Baka nalaman nina mama na binully ako nung biyernes? Tinatago ko lang kasi sa kanila na palagi akong binubully sa school.

"Ate?" Kumatok si Alexa
"Pasok" sabi ko " oh..Bakit" tanong ko ng naka pasok na siya sa room ko.
"Ate. Kahit anong mangyare nandito lang ako.. Sasamahan kita kahit saan..gagawa ako ng paraan para masundan kita" sabi ni Alexa
Ano ba pinagsasabi ng batang to?
"Huy! Anyare girl! May kung anong pumasok sa utak mo at bat ka nag e-emote dyan ha?" Sabi ko at tinusok tusok siya sa tagiliran niya

"Ate naman ehh!!" Sigaw niya ng naiinis.
Tumawa lang  ako at pinagpapalo niya ako ng unan.

"Basta ate ah?" Tanong niya ulit
Tumango na lang ako para tumigil na siya.
"Ate!!!" Sigaw niya ulit.
Naiinis na talaga ako sa kapatid kong to! Kung di ko lang to kapatid ehh kanina ko pa yan pinalabas ng kwarto ko.

"Oo na" sabi ko sabay gulo sa pinakamamahal niyang buhok.
"Ateee!! Ba't mo ginulo ang napakaganda kong buhok ha? Ate naman eh! Ikaw pag nasira tong buhok ko kakalbuhin kita!!" Sigaw niya

Haysst kailan ba titigil kaka sigaw tong babaeng to? Sira agad? Overprotective lang kasi. Whoo!
"Ikaw kanina ka pa sumisigaw ah." Sabi ko at binatukan siya
"Aray naman!" Sabi niya at kinamot yung ulo niya.
"At isa pa. Sige nga. Gawin mo nga. Kaya mo bang kalbuhin ako? Kakalbuhin mo ang dyosa ng kagandahan? Lol. And... Sino nga pala ang ate sating dalawa?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw po" sabi niya at ngumiti
Sus... Nagpapalambing.

"Hindi mo ko madadala sa ganyan" sabi ko
Nag pout naman siya
Eto talaga! Nag papa cute lang.

Hinug niya ako and I hug her back.
"Salamat sa lahat ate." Sabi ni Alexa.
"Welcome Lex" sabi ko para mainis
"Diba ate sabi ko ayaw kong tawagin mo akong Lex.. Ang baduy lang kasi. Lalaki ba ako?" Tanong niya ng nakataas ang kilay.

"Pangalan mo yun." Sabi ko at binatukan siya ulit.
Sinuklay naman niya yung buhok niya gamit ang kamay niya.
"Sige na maaga pa tayo bukas" sabi ko at tinulungan siyang tumayo sa bed ko.
"Sige ate good night! See yah!" Sigaw niya at lumabas

Natulog na lang ako kasi maaga pa kaming papasok bukas.

******
*KRINGGGGG!!!!*

Argh! Ang hambing ng tulog ko tapos sisirain lang ng bwisit na alarm clock na to!!
Tumayo na ako at pumunta sa bathroom.
New day is coming.

Matapos kong maligo naghanda na ako at bumaba.
"Ate. Ang bagal mo naman kanina pa ako naghihintay" bungad ni Alexa sakin
"Edi sana nauna ka ng kumain at umalis" sabi ko at umupo sa mesa at nagsimula ng kumain.

"Uyy...nag tatampo! Uyy!" Panunuyo ni Alexa pero di ko nalang siya pinansin.
Natapos na akong kumain.
"After 10000 years sa wakas natapos ka ring kumain." Sabi ni Alexa ng kinuha ko ang bag ko.
"Tss" sabi ko at dumeretcho sa sasakyan.
"Ate" Alexa muttered
"Why little sis?"  "Sa susunod ako na ang mag da-drive ha?" Sabi niya ng nakangiti.
"Ang bata mo pa." Sagot ko
"I'm 14 years old na kaya. " sabi niya ng naiinis
"See? Your too young for this thing" I said and nag focus na lang sa pag da-drive.
"Here we are!" I break the silence when we entered the parking lot of San Nicolas University. Pinark ko na ang sasakyan.
I see Alexa rolled her eyes on the rear mirror. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Tara na nga!" Sigaw niya at bumaba sa kotse.
"Geh una na ako!" Sigaw niya at tumakbo.
Pa iba-iba talaga ang mood ni Alexa. Kakasawa.
Naglakad na lang ako papunta sa room
Syempre alangan namang gamitin ko yung kotse ko diba?
Habang naglalakad ako papuntang room nakita ko ang nag iisang best friend ko.

"Oh...buti naman nakita kita." Sabi niya ng nakalapit na siya sakin.
"Bakit may kailangan ka ba?" Tanong ko.
"Nothing...by the way ga gamit muna ako ng restroom samahan mo ko pwede?" Tanong niya
"Of course. Kailan pa't naging best friend kita" I said and smiled.
Naglakad kami papuntang restroom.
"So. Hintayin na lang kita dito" sabi ko at nilabas yung cellphone ko. She nods and go inside the cr
Nag Facebook na lang ako para di ma boring.

////BLAAGGG////
*gasp*
Yung cellphone ko
"How dare you!" Sigaw ko sa taong nakabunggo sa akin nilapitan ko naman ang cellphone ko at pinulot ito...
Buti na lang hindi nasira. Hay naku. Hindi naman sa cheap pero na shock talaga ako nung  tumilapon yung cellphone ko.
"It's not my fault" sabi niya
"Anong it's not my fault? Ikaw kaya may kasalanan! Sa susunod kasi tumingin ka din sa dinadaanan mo." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya. Abala kasi ako sa cellphone ko.
"I'm sorry. Bago lang ako nakapunta dito may hinahanap ang kasi ako."sabi niya and this time tumingala na ako para makita siya.
In fairness ang cute niya! What? Lol. San banda. Ikaw talaga Aisha,makakita lang ng gwapo ganyan agad pinag iisip.tss

"Parang familiar ka" sabi niya
"Me? Familiar? Sayo? Baka Kamukha lang ata" sabi ko na hindi makapaniwala.
"Siguro" sabi niya at nag nod.
"By the way I'm Kent Bryan Castillo. Nice to meet you" he said and offer me his hand
"I'm Aisha...Aisha Glaze Glaxier"sabi ko at nakipag shake hands "nice too meet you too". I continued.
"Transferee ka?" Tanong ko
"Hindi...as I said may hinahanap ako dito. " sagot niya ng nakatingin sa malayo
"Ahh...may hinahanap ka?" Tanong ko ulit
"Kakasabi ko lang diba?" Sabi niya.
Tinatanong lang bad mood agad tss...
"Sige. " sabi niya at umalis na.
"Iba rin to. Umalis ng walang paalam..tss"
"Sino?"
Anak ng putakte! Nagulat naman ako sa best friend kong to. Hayst.
" ah... W-wala. Tara na" sabi ko at hinila siya papuntang room.

Nakarating naman kami sa room namin ng tamang oras.

/////

Recess time

"Tara na Camille. Punta tayong cafeteria." Sabi ko sa BFF ko.
"Pasensya na,wala akong gana ngayon. Ikaw na lang Yiesh"sabi niya

Siguro nagtataka kayo kung bakit Yiesh tawag ni Camille sakin? Shortcut lang kasi yan ng Aisha. See the similarities? Aisha pronounced (Ayisha)

"Okay. Sigurado ka ah?" Tanong ko ng nanunuyo in case na sumama.
But she nods as a response.
Pano yan? Ako na lang mag isa kakain? Okay then.

Naglakad na lang ako papuntang cafeteria...ng mag isa.

-----------

So guys tapos na ang 1st chapter. Sana nagustuhan niyo po.
Ito na po ang simula ng story ni Aisha.
Thank you po sa nagbabasa...
Samahan niyo po akong subaybayan ang mangyayare sa buhay ni Aisha...
Hope you enjoy guys!!!
Labyahh all!

Power AcademyWhere stories live. Discover now