Magic Ball

175 8 5
                                    

Vincent's POV

"Kyahhhh!!!Vincent my loves!"

"Hi Vincent!!!"

"Notice me crushie!"

Mga babae...

Hindi ko na lang sila pinansin. Nagpatuloy ako sa paglakad ng nakasalubong ko si Head Royal Zamora.
"Vincent...may kailangan akong sabihin sayo. Sumunod ka" sabi ni Head Royal Zamora.
Nag nod na lang ako at sumunod.

Pagkadating namin sa office ni Head Royal umupo agad siya at humarap sakin.

"Alam mo na ba ang tungkol sa Magic Ball mamaya?" Tanong niya kaya nag nod ako for response.
"Sino ang partner mo?" Tanong niya
"Wala" sabi ko sabay kamot sa batok ko.
"Good" sabi niya
"Paano naging good eh ang gwapong tulad ko ay walang partner sa Magic Ball?" Cool na sabi ko.
"You have" sabi niya at tumayo.
"Huh? Sino?" Tanong ko.
"Si Aisha Glaze Glaxier" sabi niya at tuluyang umalis.
"Huh? Ang babaeng yun?" Sabi ko sa sarili ko.
Haysst..

Aisha's POV

Ano naman kaya susuotin ko mamaya? Ang daming pinamili ni Red sakin kahapon ehh...

**FLASHBACK**

"Uy Yiesha si Red nasa labas" tawag ni Khate.
"Sandali lang" sabi ko
Lumabas nako ng bathroom at pinunasan ang buhok ko.
Nagsuklay ako at naglagay ng konting foundation.
"Bakit di niyo pinapasok?" Tanong ko habang nagsusuot ng sandal.
"Eh di mo naman sinabi" sagot ni Khate
Baliw lang to.
"Saan ba punta niyo? Opss don't tell me magda-date kayo?!" Pasigaw na sabi ni Tiffany.
"Ano ba kayo?" Sabi ko at lumabas na ng dorm pero bago yun...
"Bye!" Sigaw ko...
"Babush" sabi nilang dalawa.

"Uyy Red napa aga ka ah" biro ko.
"Hindi ah"
"Excited ka no?" Tanong ko ulit.
"Sadyang an---...ang bagal mo lang talaga kumilos." Sabi niya sakin at pinisil ang ilong ko.
"Ehhh??" React ko...
"Tara na nga" sabi ko.

Pumunta kaming shopping island. Di ko nga akalain na meron dito nun.

"Pili ka ng damit mo. " sabi ni Red.
"Ah hindi wag na" sabi ko
"Bakit?" Tanong niya
"Nakakahiya" sabi ko at umiwas ng tingin.
"Sige ako na lang pipili" sabi niya at bumili ng kung anong dress na magistuhan niya.
"Baliw ka talaga Red" sabi ko at ngumiti.
"Yan ako eh" sabi niya at pinisil ulit yung ilong ko.
Naglibot pa kami hanggang sa gumabi.
"Uwi na tayo Red may class tayo bukas" sabi ko
"Sige" sabi niya at nag bayad na sa huling binili niya. Mga sandals.
"Dami naman niyan" sabi ko .
"Konti nga to eh" sabi niya.
Nag smile na lang ako at ganun din siya.
"Thank you for your time" sabi ni Red ng mahatid ako sa hallway papunta sa East Hall. Nasa East Hall kasi ang mga dormitory ng mga babae nasa West Hall naman ang sa mga lalaki pero patago nga silang pumupunta dun.kung minsan kailangang magteleport. Pero kanina hindi nag tago si Red haha bilib ako.
"Sige" sabi ko.
Umalis na siya at sinundan naman siya ng aking mga mata papalayo hanggang sa naglaho na siya sa aking paningin.

**END OF FLASHBACK**

*toktok*
"Ako na" sabi ko kasi ako yung malapit sa pinto eh.
"Ms. Glaxier pinapatawag ka ni Head Royal Zamora" sabi ni Janine.
"Bakit daw?" Tanong ko
"Ewan" sabi niya at umalis. Sinundan ko naman siya.

"Head Royal Zamora ano po yun?"tanong ko pagpasok namin ni Janine.
"Ms. Glaxier gusto kong si Mr. Javier ang magiging partner mo mamaya sa ball. Gusto ka lang namin protektahan" sabi ni Head Royal.
"Protektahan saan?" Tanong ko.
"Sasabihin ko na lang sayo pagkatapos ng Ball. Enjoy " sabi niya at bigla siyang naglaho. Ano yun? Teleport ba yun?
Wag kang bobo Aisha hay naku

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Power AcademyWhere stories live. Discover now