ika - 27

4 0 0
                                    

Halos dalawang linggo narin simula ng aminin ko sa sarili ko na nahuhulog na nga ako kay jaine .. ou mahirap dahil hindi parin nawawala sa isip ko kung anong meron sya na wala ako pero buo na ang pasya ko na lumaban kahit alam kong mahirap para sa isang katulad ko ..

~ Canteen ~

Oh paul sigurado ka na ba ? "- masayang tanong ni bryle

Sigurado na "- sagot ko at ngumiti naman si bryle

anong balak mo ngaun ?? "- si victor

Hindi ko pa alam kung pano ako mag uumpisa "- seryosong sagot ko at yumuko

tsk tsk !! "- si nick

naaalala mo pa ba yung mga ginagawa ni jaine sayo ?? "- sabi ni francis

Ha ?? "- nagtatakang tanong ko

Tama!!!!! "- sigaw ni bryle

Ano ba yun ?? "- tanong ko pa rin sa kanila

Yung pag aasikaso nya sayo ..  satin "- nakangiting sagot ni victor pero hindi ko pa rin ma gets kung anong sinasabe nila

Ay tanga!!!! "- sabi ni bryle

Tanga na kung tangaa.. pero alam nyo naman wala akong alam pagdating sa pang liligaw "- sagot ko

Pfffftttt  ! Ou nga pala "- pigil na tawa ni nick

sge ganito .. bigyan mo ng bulaklak "- sabi ni bryle

Tapos chocolate !! "- si victor

Tapos ayain mong lumabas yung kayo lang dalawa  "- si nick

Mga gago !! "- seryosong sabi ni francis

Parang hindi nyo naman alam kung anong sitwasyon nyang kaibigan nyo "- seryosong sabi ni francis na ikinatahimik ko at nila .. tama si francis na hindi ko kayang gawin yung mga sinabe nila bryle dahil imbis na ipangbibili ko ng bulaklak at cholate ay ipang gagastos ko nalang sa bahay dahil sa ganitong sitwasyon ko .

Alam mo paul .. hindi mo kailangan gawin yun hindi materyal na bagay ang pagpapakita na tunay na pagmamahal mo ang isang babae .. mas mararamdaman nila ito sa pamamagitan ng kilos at kung pano mo ito maipaparamdam sa kanya .. kilala natin si jaine at hindi sya kagaya ng ibang babae na nakikita natin "- sabi ni francis

Haaayy!! Bahala na "- sabi ko

Ikaw lang ang makakaalam kung anong gagawin mo "- sabi ni francis at tinapik ako sa balikat .

Hi!!!!!!! Guys !!!! "- sigaw ni shiela kaya napalingon kami sa likod

Hi!!!! Love "- sabi namin ni nick pero binatukan sya ni shiela pagkalapit nito

Aray ko naman -_- "- reklamo ni nick

Tumahimik ka kasi "- sabi ni shiela

Sorry -_- "- sabi ni nick

Tama na yan ! Baka magsabunutan pa kayo hahahahha "- awat ni bryle na biglang binatukan ni nick

ikaw kaya sabunutan ko manong ?"- asar ni shiela na ikinatawa namin ..

Aba !!! Nahawa kana dito kay nick ahh "- angal ni bryle

Si jaine ?? "- tanong ko kay shiela

Sino ?? "- pang asar ni shiela

Narinig mo naman "- angal ko kay shiela

Hehehe .. maagang umuwi may aayusin daw malapit na kasi yung birthday ni tita "- masayang sabi ni shiela

Ahh ganun ba ?? "- sabi ko nalang at umupo si shiela sa tabi ko at inakbayan ako

Seryosong tanong ... ano si jaja sayo ?? "- nakangiting tanong ni shiela pero natahimik dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko

When The GoodBoy Is Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon