~ Paul's Pov ~
Nakahabol ako at nakapaglaro .. maraming natuwa ng makita akong papasok na sa court .. nakita ko narin si mama pero nagtataka ako at wala si jen .. nasan ka yun ..
Captain !!! "- sigaw ng mga ka team ko
Sorry !! Late ulit hehe "- sabi ko
Kaya mo ba pumasok agad paul ?? Mukang pagod ka pa .. "- tanong ni coach
Opo coach kaya ko .. papasok na po ako "- sabi ko kay coach pero pinigilan ako ni coach
Mag ingat ka !! Ginagawa na nila lahat para lang manalo sila "- pag papaalala ni coach
Ako na pong bahala coach "- sabi ko at nag sub na ako kay aeron sa kuya ni jaine pero kumaway muna ako kay mama
Go!! Anak !! Galingan mo talunin mo sila okay "- sigaw ni mama at nag okay sign naman ako
Prrrtt ...
Pumito na ang referee para maka sub na ako papasok na sana ako sa loob ng court nang hawakan ako sa balikat ni aeron ..
Mag ingat ka paul .. hindi na laro ang ginagawa nila "- may halong galit na paalala ni aeron sakin
Sge .. salamat pahinga kana .. "- sabi ko kay aeron ng nakangiti
Nag umpisa na kaming maglaro at tama nga sila dahil madudumi maglaro ang mga ito .. kanina okay pa naman pero nung bumaba na sa 8 ang lamang nila nag iba na ang laro nila ... saglit palang akong naglalaro pero pakiramdam ko sobrang pagod na ako at parang bibigay na ang katawan ko .. pero alam kungg kaya ko pa to .. lalo na ng makita ko si jaine at kasama nito si jen at isang batang lalake na naunuod at natutuwa sa mga napapanuod nila lalo na si jaine .. ang ganda ng ngiti nya .. para tuloy nawala ang pagod ko ..
Nagddribble ako ng bola nakatingin lang ako sa nagbabantay sakin dahil ngumisi ito na para bang may pinaplano .. nginitian ko nalang din sya at iniwanan pero pagtakbo ko para maiwan sya ay bigla nya akong bingga para mapatalsik ako sa labas ng court .. hindi agad ako nakatayo dahil masakit ang pagkakabagsak ko .. naririnig ko na rin ang mga sigawan ng mga manunuod ..
Prrttttt .. foul # 34
Gago ka ah !!! Marunong ka bang maglaro ha ?? "- sigaw ni bryle
susuntukin na sana ni nick yung bumangga sakin pero naawat ng ito ng ibang player ..
Umayos kang hayop ka !! "- sigaw parin ni nick pero tinatawan lang sila ng bumangga sakin
Buang ka ba ?? "- tanong naman ni francis kaya tumayo na ako kahit nahihirapan ako sa pagtayo para awatin ang mga kaibigan ko
Tama na yan "- sabi ko sa kanila ng nakangiti
Pasalamat kang hayop ka !! "- sigaw ni nick
Tama na nick .. highblood ahh "- pang aasar ko kay nick
Siraulo !! "- sabi ni nick sakin at binatukan ako
Bumalik na kame sa bench namin .. dahil mag ddecide pa yung mga official para sa nangyari kanina .. umupo agad ako pagkadating namin sa bench .. sobrang sama ng pagkakabagsak ko pero hindi ko lang iniinda para hindi lalong mag alala sila coach at lalo na si mama ..
Captain ayus ka lang ?? "- tanong nila jeremy
Ayus lang .. wala yun "- sabi ko ng nakangiti
Hindi ko na kayang umupo dahil pakiramdam ko kung uupo ako ng matagal ay baka hindi na ako makatayo para makapaglaro ..
Tinawag ko na sila dahil may gusto akong sabihin sa kanila dahil nakikita ko na sa mga mata nila ang hirap at para mawala ang galit nila dahil nahahalata ko na nawawala na rin sila sa laro ng dahil sa galit ..
BINABASA MO ANG
When The GoodBoy Is Fall Inlove
RomansaHalos lahat ng nasasaktan ay nagbabago May mga nagiging gago , siraulo , babaero Lalo nat kung isa kang mabuting tao ?? Hahayaan mo ba na mabago ka dahil sa nasaktan ng taong minahal mo ?? Handa mo pa bang ituloy ang mga nabuo mong pangarap kasama...