♥
Kringgggggg!
“Uh! Bwiset na alarm clock ang sakit sa tenga. Oo na gigising na ko manahimik ka ng alarm clock ka!” Baliw na ako? Pati alarm clock kinakausap ko.
Ligo, Bihis, Kain, Toothbrush, Pasok sa school everyday routine katamad bat pa kasi kailangan mag aral eh kung di lang ako pinilit nila mommy eh marunong nanaman ako sa business kasi pinag a-advance study nila ako tuwing summer kaya halos lahat ng lesson namin sa school alam ko na lecheng life -__-
Pababa na ko ng tricycle ng may biglang bumangga sakin, oo naka tricycle ako pag psaok kasi nga ayokong malaman nila kung sino ako no at take note ako lang ang nakatricycle pag pasok kaya lahat sila nakatingin sakin.
“ARAY” sino ba to kung makapag madali ang aga-aga pa.
“Sorry” tapos dire-diretso lang siya sa pag lalakad
Bahala nga siya kung sino man siya hmp -___-
“SKY! MOON! STAR!” nagulat akong ng may sumigaw mula sa kabilang kanto at oo galling pa sa kabilang kanto at kelan pa nagkaroon ng moon at star ang pangalan ko -___- alam nyo na kung sino ung maingay diba?
“Ysavel!” tapos kinawayan ko siya.
“Hay grabe kapagod ang aga mo ah hihi” hingal na hingal naman ito
“Bakit naman kasi tumakbo ka mula dun sa kabilang kanto hanggang dito sino ba naman hindi mapapagod” natatawa kong sinabi
“eh kasi baka hindi mo ko intayin eh” loko talaga tong babae to
“Baliw ka talaga iintayin naman kita eh Hahaha tara na mag palit ka ng damit mo puro pawis ka na” medyo concern na ko sakanya ngayon hahaha
“sus wag na matutuyo din yan tsaka mabango ako no” nagtawanan kaming dalawa at pumasok na sa school baluga naman nito ni Ysavel pero okay lang hahaha.
Naging okay naman ang buong klase naming ng morning period sana hanggang mamayang hapon okay din. Lunch na at nasa cafeteria ulit kami oo nga pala nilibre ko si Ysavel dahil nilibre daw nya ako kahapon sa totoo lang hindi naman talaga bukal sa kalooban ko ang panlilibre sakanya umorder kasi siya ng sandamakmak na pag kain tapos iniwan ako sa counter at ako na daw mag bayad may choice pa ba ako? Eh nanlilisik ang mata ng cashier sakin dahil sa dami ng kinuha ng pagkain ni Ysavel haynekunemen -__-
Bago pa ko makaupo sa table naming may nakabangga nanaman sakin jusko lord why meeeeeeee? T_T
“ARAY” bakit ba kailangan mangyari sakin to T_T
“Sorry” ay Pu)(%$#&) yun din ung bumangga sakin kanina ah nakakadalwa na to ah pero relax Sky tinuruan ka ng parents mo na maging patient
“Uy diba ung babae sa portal?”
“Oo nga mayaman daw yan eh”
“Mukhang di naman eh”
“Baka nag papanggap lang”
Luh. Grabe talaga mga chismosa nato sino kaya pinag chichismisan nito well wala akong pakialam kasi pag inalam ko pa edi parang chismosa na din ako.
“Uy Ysavel ano ung portal?” Di daw chismosa Hahaha :D
“Ahh yun ung site nung school naopen mo na ba yun? May mga account ung bawat student dun, dun mo makikita ung mga grades and sched mo per sem” –Ysavel
“Ahh yun pala yun ikaw naopen mo ba ung iyo?” –Ako
“Hindi pa eh tinatamad ako hihi” wala ka talaga maasahan dito hahahaha
“Nasa top 10 siya agad? Grabe ang bilis”
“Oo nga bago palang siya diba?”
“Oo nga eh ano kaya ginawa nya para sumikat agad?”
“kasi nga mayaman ano ka ba?!”
“bakit mayaman din naman tayo ah bat di tayo napasama sa top 10 eh halos mag tatapos na tayo dito siya bago palang”
“Oo nga no”
Di na naubusan ng chismis? At ano nanaman ung top 10 na yun? Dean’s list ba yun? Nagiging chismosa ako dito sa mga to eh hahahaha
“Uhmm. Ysavel... pwede mag tanong?” nahihiya talaga ako hahaha
“yeah sure. Ano yun?” nakangiti naman to
“Uhm.. Ano yung To-…..”
KRINNNNNGGGGGGGGGG!
Di na natapos sasabihin ko kasi biglang na bell class hour nanaman -____- hayaan na nga ichecheck ko nalang ung portal chuchu na sinasabi nila mamaya pag uwi ko.
Yes! Day ended thank God kahit napakawalang kwenta ng Math namin dahil pinapahanap samin ang X na wala naman kaming pake kung asan man ung X na pinapahanp nya nag papahirap lang X na nga eh bat mo pa hahapin diba? Leche bitter </3 Hahahahaha well maedyo okay naman talaga ng araw namin eh except lang dun sa bwiset na bumangga sakin peste talaga sabay na kami umuwi ni Ysavel at nag pumilit siya naihatid ako sa bahay dala nya kasi kotse nya para daw malaman nya kung san ako nakatira nako kailangan ko ng lumipat hahaha joke :))
Pag kauwi ko ay kumain ako at nag nag pahinga ng konte tapos inopen ko ung portal chuchu na sinasabi nila nilog in ko agad ang account ko at nakita ko nga ang sinasabi ni Ysavel na grades at sched ko ki-nlick ko naman ung tab ng news wala naman kwenta puro pag tataas ng tuition at tungkol sa mga sikat sa school aba kasali din ditto ang babaeng zebra may bagong boyfriend na daw siya as if may pakeelam ang mga students sa mga kalandian nya no.
Scroll
Scroll
Scroll
Student Popularity Ranking.
There’s a new LADY student who ladder up on top 10 just this week click here and check out who’s this lucky student.
Hmm ano kaya to pati popularity ng student issue dito? Grabe namang school to pinaprioritize ang kasikatan ng mga students. Duuuh? What the heck?! Pero dahil naimpluwensyahan ng mga chismosa ang utak ko pinindot ako ng link na nakalagay dun.
“FUCK! SHIT! SHIT! SHIT!” wala akong nasabi kundi yan OH MY GOD!
--
Ysavella Courtny Dela Vega Pic -->