Chap 1 ♥

22 1 0
                                    

Sky’s POV

RINGGGGGGGGGGGGGG!

Senyales yan na simula na ang 1st subject namin nakakatamad ngayon dahil first day palang at wala naman masyadong gagawin puro pag papakilala lang naman.

“Grabe ang ingay naman puro kasyosalan at kaartehan lang naririnig ko hayy” ayoko talaga sa maarte at mga pasyosal nabwi-bwiset lang ako at dahil lahat sila ay ganun eto ako ngayon sa dulo ng classroom nakaupo at walang ginawa kundi kausapin ang sarili.

“Hi! Ako nga pala si Ysavel anong panagalan mo?”  Luh. Sino ba tong babaeng to FC masyado  -_____-

“Sky” Matipid kong sagot. Di naman ako suplada pero wala lang talaga akong sa mood.

“Hi Sky! Sana maging mag kaibigan tayo wala pa kasi akong kakilala mukhang lahat sila mag kakakilala na nakita kasi kita dito na nag iisa kaya naisip kong lapitan ka kasi mukhang wala kang kausap sana kausapin mo din ako. Nako mukhang magiging Masaya to may kaibigan na ko agad sabay tayo laging mag lunch ha tsaka miryenda pati sa pag uwi excited na ko!”  Nag tatalon pa sya at pumapalakpak habang sinasabi nya yan grabe ang bilis nyang mag salita ang daldal nya hindi nya man lang ako tinanong kung okay sakin ung mga pinagsasabi nya at inassume na agad na mag kaibigan na kami OH MY GOD LORD WHYYYY! T_T

“Ahh.. Ano kas-…….” Di na ko pinatapos dumaldal na ulit siya

“Patingin nga ng sched mo titignan ko kung parehas tayo” binuksan nya ang bag ko at siya na ang kumuha kapal diba? Di ako makapag react kasi parang nagugulat ako na may ganitong klaseng babae na sobra ang kapal ng mukha.

“AYY WOW! Parehas tayo ng mga subjects ang saya talagang magiging mag best friend tayo!” BEST FRIEND? Agad agad? Kanina friends lang tapos ngayon best friend na? Bitaw talaga tong babaeng to hay nako pero hahayaan ko na lang atleast hindi siya maarte at pasyosal kagaya ng mga ibang classmate naming tsaka para may kasama na din ako.

“Huyy mag salita ka naman kanina pa ko daldal ng daldal dito eh tahimik ka ba talaga? Nako pag ako kasama mo magiging maingay ka din” tuwang tuwa talaga siya sa ginagawa nya at duuuh! Pano ko makakapag salita kung daldal siya ng daldal -____-

RINGGGGGGGGGGGGGGG!

Buong period dumaldal lang siya ng dumaldal at akong tumatango lang.

“Tara na sa cafeteria kain tayo libre kita dahil best friend na kita pero sa susunod ako naman libre mo ha!” medyo makapal talaga tong babaeng to eh mamaya ma sasabunutan ko na to.

*Cafeteria

“Ayun Sky! Dun tayo dali baka maunahan pa tayo” Dali dali siyang tumakbo at bakit ganito ang author wala akong sinasabi puro ung Ysavel nalang ung totoo kaninong story ba talaga to? Heyynako nemen -__-

Wala naman akong ginawa kundi sumunod sakanya.

Lakad

Lakad

Lakad

“Hey Missy this is our place di mo ba nakita na eto lang ung kakaibang table sa lahat? It means para lang saming magaganda to kaya back off! Mag hanap ka nalang ng ibang table che!” Luh. Sino naman tong babaeng to na Happy Foundation Day ang mukha na may mga kasama pang alipores na nahiya ang mga coloring pen sa dami ng kulay sa mga mukha nila.

“Hoy babaeng zebra na di pantay ang kulay ng mukha sa leeg pare-parehas lang naman ang mga table at upuan dito ha! At sino ka ba para mag reyna reynahan dito ha? Dibali sana kung maganda ka eh hindi naman!” Aba palaban pala tong si Ysavel eh. Mapanood nga muna ang teleserye nato mukhang maganda ang laban eh Whahahahaha :D Popcorn please!

Little Miss Heart BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon