Chapter One: Meeting MY Knight

80 3 5
                                        

Chapter One: Meeting MY Knight

"Waaaaaah . Tulong. Tulungan niyo ko!" Napapalibutan ako ngayon ng mga wicked witch. May ginagawa sila sakin at nagpapaka DAMSEL IN DISTRESS na naman ako dahil naghihintay na naman ako ng tulong mula sa aking "PRINCE CHARMING"

"Bitiwan niyo siya" sabi ng lalaking nakasuot ng light blue na royal suit na tumeterno sa kanyang red pants--- basta hindi ko maidescribe ng maayos, alam niyo naman yon e, ung pang prinsipe. Ang gwapo niya tignan--- blue eyes, pink lips, dark hair, fair skin, and masculine body.

"At sino ka naman?" Tanong ng witch na napakapangit.

"Ako lang naman ang magliligtas sa kanya!" Pagkasabi niya noon ay awtomatikong sinugod niya ng kaniyang espada. Sandali lamang ay natalo niya na ang mga walanghiyang witch. Yehey !!!

"Salamat ng marami aking Prince Charming" Lumapit ako sa kaniya.

"Basta't para sa'yo aking prinsesa" Unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa aking mukha. Palapit ng palapit ng pala---

*KRIIIIIIIIIIIING KRIIIIIIIIIIIING*

"Waaaaaaaaaaaaaaah! Nakakainis malapit ko na siyang mahalikan e!" Agad kong kinuha ung pesteng alarm clock na yon at binato sa pader. Badtrip kasi e. Panira ng moment.

"Anak ano 'yon?" tanong ni Mama na mukhang nagmadaling umakyat dito at may nagtatakang mukha.

"Wala lang po 'yon" sagot ko naman

"Anak mukhang nakakalimutan mong may pasok na ngayong araw?" 

"Waaaaaaaaaaaahh!!! OO nga pala!"

"Maligo ka na at kumain sa baba" Nakakainis. May pasok na naman pala.

Ang totoo niyan. Gustung-gusto ko pumasok sa school, ang ayaw ko lang e yung mga kaklase kong nam-bubully sakin.

***

Nakakain na ako at nakaligo na rin. Sinusuot ko na ang uniform ko. It's a white longsleeve with a checkered necktie na pinartneran ng above the knee skirt at white long socks. Siyempre hindi dapat kalimutan ang big, thick, nerd glass ko. Yan I'm ready to go na!!!

Nga pala. Let me introduce myself. 

I am Courtney Liz Buenaflor. 16 years of age. I'm rich but I'm always been bullied. I'm a graduating student of Castillano High. Favorite ko ang magbasa ng mga fairytale kaya hanggang panaginip e sinusundan ako ng mga prince at witches. They called me "Damsel in Distress" just for fun and I AM NOTHING FOR SO MANY PEOPLE AROUND ME.

*** 

~CASTILLANO HIGH

Nandito ako ngayon sa hallway at lahat ng mata ay nakatingin sakin. Not because I'm beautiful but because I'm a nerd. May discrimination kasing nagaganap sa school namin. Pag isa kang nerd ay umasa ka ng makakatanggap ka ng panlalait, pananakit, pang-aasar, at pagmamalupit.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil siguro nasanay na rin ako sa mga ginagawa nila. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapansin ang isang lalaking kahawig ng nasa panaginip ko. Ngayon ko lang siya nakita dito. At wala akong balak maniwala sa nakikita ko dahil napaka-IMPOSIBLE  nun...

~Cliffhanged

[Tunay nga kaya ang nakita ng ating bida. O hanggang sa realidad ay dala-dala pa rin niya ang imahinasyong nabuo habang siya'y natutulog. Mabasa pa kaya ng mga readers Ko (kung meron man) ang dalawa ko pang story? napinamagatang WHEN YOU LOOK ME IN THE EYES? pati na ang SHE'S A HE? Dito lang may segway na ganyan kaya TUMUTOK LANG at SUMUBAYBAY. Hahahahaha. Andami kong tawa. MGA LIMA. PLEASE KEEP ON READING, VOTING, AND COMMENTING, LIBRE lang yan. Wag IPAGDAMOT. hahahahaha]

***Author's Note: Please mag-vote po kayo. Magcomment na rin po. PLEASE. I'm a trying hard writer and I just wanna try writing story so please SUPPORT, VOTE, and COMMENT po  :P

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Apr 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Damsel in Distress meets Her Knight in Shining Armour {KATHNIEL FAN FICTION}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon