Chapter 13

733 51 4
                                    


REESE POV

Kanina pa kami palakad-lakad ni Zhy pero ni anino ng babae ay wala naman kaming nakikita. Ayon kay Zhy ay hinagilap na raw nila siya sa buong campus pero wala pa rin. Dito na lang daw ang hindi pa nila napupuntahan. Pero impossible. Impossibleng mapadpad siya sa lugar na ito. Sa aura pa lang na bumabalot dito ay paniguradong matatakot na ang sinuman na pasukin ito. Maliban na lang kung matapang ka talaga.

Napatingin ako kay Zhy. Sa kinikilos nito ngayon ay halatang desidido talaga itong mahanap ang babaeng iyon. Kaya hindi ko masabi sa kaniya na impossibleng nandito ang hinahanap niya dahil ayaw kong panghinaan siya ng loob. Alam kong alam nito na wala rito ang babae, pero mukhang kumakapit pa rin siya sa kaunting possibilidad na nandito nga ang hinahanap niya.

Naikwento na rin niya sa 'kin ang tungkol sa babae. Hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko pero isa lang ang masasabi ko.

Natamaan na talaga siguro ito sa babaeng iyon. Hindi ko pa ito nakikita, pero base sa reaksiyon ni Zhy kanina ay alam kong matindi na ang tama nito. Napapangiti ba naman ito ng mag-isa.

Marami nang babae ang dumaan sa buhay namin, pero sa tanang buhay ko ay hindi ko pa ito nakitang naging ganito para lang sa isang babae. Mukha siyang ewan ngayon. Hindi rin siya mapakali. Idagdag pa na napaparanoid na siya. Saglit ko lang binasa ang isip niya pero agad ko ring hininto. Kung ano-ano kasing masasamang imahe ang nakikita ko.

Sino ka ba talaga? Agatha Vessalius D' Valliere.

Ngayon lang ako nakarinig ng pangalang ganiyan. Kakaiba ito sa lahat ng pangalang narinig ko. Parang sobrang luma na nito pero pang dugong bughaw naman ang dating.

"Mukhang natamaan ka na sa babaeng
'yon ah," panimula ko. Imbes na sumagot ay sumimangot lang ito.

"Parang kapatid na rin ang turing ko sa kan'ya. Saka isa pa, alam mo namang matagal ko nang gustong magkaroon ng kapatid na babae kaya pagkakataon ko na ito."

Umikot ang mga mata ko sa narinig. Kapatid daw? Hindi ako naniniwala.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin ang totoo sa 'kin? Wala namang makakaalam na iba." Natawa na lang ako ng sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo. Saka isa pa, ilang araw ko pa lang s'yang nakikilala, gan'yan na agad ang iniisip mo? Common sense naman Reese."

Ako naman ang napasimangot sa narinig. This guy really know how to push my button.

"Alam mo kasi, sa pagmamahal, hindi batayan kung gaano katagal mong nakilala ang isang tao. Kapag naramdaman mo ito, hindi na mahalaga kung kanina o kahapon mo lang siya nakilala. Ang importante, yang nararamdaman mo, sige ka, baka maunahan ka pa niyan." Nakangisi kong sabi sa kanya. Bigla namang lumukot ang noo niya.

"What?"

"Whoa! Ang lakas ng hugot natin ngayon ah! Anong atin?" Natatawa niyang sabi. Naningkit ang mga mata ko saka sumeryoso ng mukha.

"Hindi ako nanghuhugot. I'm just stating the fact," seryoso kong sabi na nagpatigil sa pagtawa niya.

"Okay! Chill! Hindi ka na mabiro! Ngayon nga lang ulit tayo nagkita matapos ng bakasyon tapos ang seryoso mo pa rin. Bakit kasi hindi ka na lang bumalik sa dati? Alam ko na alam mo na miss na miss ka na rin nila." Napaisip akong bigla sa sinabi niya.

Agatha: Of Words and Wisdom [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon