Chapter 17: A dream?❤

440 27 22
                                    

Tuwang tuwa ako na nakuha ko ang title. Di ko inaasahan na ako ang magiging Ms. St. Elizabeth Academy. Sobrang saya ko na sa wakas ay nasambit ko ang katotohanang sawa na akong itago.

Isa isang nagsilapitan ang mga estudyante sabay papicture dito, papicture doon.

"Congrats Bessyyyy, sobrang proud na proud ako sayo." Ani Diana.

"Thankyou at lagi kang nakasuporta sakin." Sagot ko't niyakap ko sya ng napakahigpit.


"Hi." Bati ni John.

"Ayy. Helloooo!" Sambit ko.

Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin.

Natanaw ko sa gilid ko ang nag uusok na ilong ni Michael. HAHAHAHA!

"Ehem!" Paggawa ng ingay ni Michael kaya naman napatigil si John at pumitlag sa pagkakayakap.

"Congrats lang pre may yakap pa?" Ani Michael.

Sandali ko silang iniwanan at nagpunta sa gawi ng mga prof ko. Tinatawag kasi nila ko.

"Congrats Barbara. I'm sure proud na proud sayo ang anak mo pati na rin mga magulang mo." Ani ni Prof Mendoza.

"Thankyou po prof. Di ko po ito magagawa ng di dahil sainyong mga nagpush sakin."

"Hindi ka nagkamali ng pinagkatiwalaan. Andito lang kami para sayo. Ang saya saya magkaron ng estudyanteng may lakas ng loob."

"Salamat po mga prof at di nyo pinabayaan ang anak ko." Singit ng aking mommy na si Barbi.

"Kung di mo naitatanong Barbara ang mommy mo ang may pakana nito. Lagi ka nya saking pinababantayan at lagi nyang pinipilit ang lahat ng mga prof mo na wag kang pababayaan. Kung iniisip mong napabayaan ka ng mommy mo. Pwes nagkakamali ka. Mahal na mahal ka nya at sa totoo lang sya ang nagsponsor ng pageant na ito. Di naman porke sha ang nagsponsor ikaw na agad ang ipinanalo. Syempre ang kinuha naming mga judges ay yung walang nakakakilala sainyo....


Ha? E kilala nga ko ni Kurt. Hehehehe.

...sobrang proud kami sayo kasi kahit ibang tao napahanga mo. Kahit mga judges sayo na una palang. Nung nadapa ka pinakita mong kaya mo pa rin. Kasi ikaw yan Barbara. Sayong sayo kami." Paliwanag ni Prof. Mendoza.

"Salamat po prof. Di ko po akalain na ganito pala ang mga magulang ko. Nagkamali po ako. Salamat po talaga prof." ani ko na bahagyang naiyak.

"Halika anak. Magusap muna tayo." pag-aaya ng aking ina.

Papunta na kami ng back stage. Ngunit di magkamayaw ang mga tao sa pagpapapicture kaya naman ngiti dito ngiti dyaan.

"1 2 3 Click!"

"Dito po smileeeeee"


"Click!"

"Poseeeee"

Nakarating na kami ng backstage at naupo sa couch at nagpahinga bahagya. Inalis ko ang aking heels at saka nagsimulang sumalampak sa may couch na nandoon sa backstage.

"Anak, sobrang saya ko na ikaw ang naging anak ko. Di ko pinagsisihan ang lahat. Although nagkamali ka, dumaan din ako dyan. Mahal na mahal kita anak lalo na't alam mo na ang totoo." Umiiyak na sambit ng mommy ko. "Wag mong isipin na pinabayaan kita anak ha? Ang totoo nyan ay sinubukan namin kung kaya mo na ba talagang magisa. Never ako nawalan ng balita sayo." Pinunasan ko ang luha nya. "Ang yaya mo, si Michael, si Diana, at ang mga Profs mo. Sakanila ko nakikibalita."

Another Chance❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon