Chapter 18: A night to remember❤

128 2 1
                                    

Ano nga ba ang 'nangyari sa gabing iyon?

Barbara POV

Sobrang pagod, pagod na pagod ako nung gabing iyon. Gising na 'ko, gising na sa katotohanang walang maalala at tila naguguluhan pa rin hanggang ngayon.

*Flashback*

"Babe, pahinga ka na, dito ka sa kama ko, paghahanda lang kita ng kakainin mo." Ani Michael.

"Sure thanks, Michael." Sambit ko.

"Babe, I told u! Call me babe not Michael pleases." Pagmamaktol ni Michael.

"Okay babe let me rest, pero before that kain muna tayo, mejo kasi ano ahm, i feel hungry." Sabay pout.

"Ano gusto mo kainin Babe? Fav kimchi mo or ako?" Pffffttt kumindat pa si Michael! ARGHHHHH WAG KANG GANYAN PLS MARUPOK AKO.

Sa sobrang lutang at gutom ko, napasambit ako ng "You." Arghhhhh! Part 2 na ba 'to?

Unti unting lumapit si Michael, Lord help me, nagugutom ako pero nagugutom ako pag nakikita ko si Michael. ChoUr!

Sabi ko kakain tayo diba bat hinuhubad nya polo nya???

"I know u miss this." Sambit Michael.

Yes babe, i really miss u! Like hellllll. Wala na sana mas magpalayo pa sa atin. Looking how handsome u are right now really makes me feel na ang swerte ko talaga despite of the past challenges we're up to.

Ako na lumapit kay Michael, itinulak ng bahagya sa pader at unti-unting ibinaba ang polong naka saplot sa kanyang katawan.

"Yes, i really miss u, all of your millions." Sabay halik sa kanyang ilong at tinitigan ng pagkatagal-tagal sabay ngiti ng kaunti.

Mga mata ni Michael, mga mata nya na hanggang ngayon ang lakas pa rin ng dating sakin. Mga mata na kahit kelan hinding hindi ko pagsasawaan.

Inilapit ko pa ang aking mukha ngunit si Michael agad akong hinatak papuntang couch at hinalikan ng pagkalalim.

Michael was kissing me so torridly. Almost saying "Oo Barbara! Miss na miss kita, sobra pa sa sobra."

Wala akong ginawa kundi tugunan ang halik ng lalaking pinakamamahal ko, Michael.

Unti-unti nang lumalakbay ang kamay ni Michael papunta sa aking katawan. His warm hands, na kinasasabikan kong madama muli. Ang kanyang mga palad na walang katulad. Oo eto yung pakiramdam 'nong una pa lang.

Ako'y napaisip, ayoko na munang biguin parents namin. Masayang masaya na ko kay Micha makapag-aantay pa ang ganitong bagay.

Inihinto ko ang pagtugon sa halik ni Michael.

Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Babe, i-i'm sorry, please wag muna tayo m-mag- madali." Aking pag-singit na may pag aalinlangan.

"Fuck babe, im sorry, 'di nanaman ako nag iisip sorry babe sorry." Sagot ni Michael sabay deretso sakanyang kusina.

Inayos ko ang aking sarili, napaisip at hanggang ngayon di pa rin maka move on. Gusto kong gawin yung hindi dapat, gustong maramdaman muli ang nagiinit na pagmamahal ni Michael. Kaya naman agad ko syang sinundan sa kusina.

Niyakap ko sya't hinalikan ang bawat kanto ng kanyang leeg. Michael, sorry pero 'di na tayo mga bata. Tila nga hindi mapipigilan ang ganitong bagay.

"Babe, kumain na tayo." Ani ni Michael.

Ako'y nadismaya. Pero hindi ko na ipinakita. Siguro nga wag muna magpadalos-dalos. Babae nga pala ako, oo babae ako.

"Ano niluluto mo Michael, no I mean babe?" Pagtatanong ko.

"Your favorite tuna omelet, and meron akong kimchi sa ref for your side dish. I love you babe." Sambit ni Michael.

Napakaswerte ko sa lalaking to, nakalimutan ko na lahat ng mga nangyari sa nakaraan. Sobrang saya na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay yung lalaking minahal ko unang una pa lang.

"Really? Thank u babe I'm so excited yet sleepy." Ani 'ko.

"I'm all done, please take your sit babe let me prepare your food." Ani Michael.

Inihanda na ni Michael ang aming kakainin, sa sobrang excited ko bago ako umupo't kumain niyakap ko sya ng napakahigpit sabay sambit ng "You're still the bezt, i love you."

Sinimulan ko nang kainin ang lahat ng inihanda ni Michael para sakin.

Pagkatapos naming kumain ay agad naman akong nagsipilyo't naglinis ng katawan, habang si Michael abala sa paghahanap ng damit na ipapahiram nya sa 'akin.

Nagprepare din si Michael ng movie at umorder ng pizza sa domino's. Di naman nagsabi si Michael na patatabain nya ko ngayong gabi. HAHAHAHA.

Nang makita ako ni Michael niyakap nya ako.

"Babe, you're all done, let's rest na muna." Michael's sweetest voice.

Sumampa na kami pareho sa kama at sabay na nag antay sa pizza na inorder ni Michael. Habang nag aantay ay parehas rin kaming nanonood ng inihanda nyang movie. Nakakaramdam na ko ng antok ngunit wala pa rin yung pizza hanggang sa...

*End of flashback"

Michael's POV

Nag-aantay kami ng pizza ni barbara habang nanunuod ng movie pero nang makita ko sha sa huling segundo ay natutulog na sha. Sobrang pagkatagal ba naman kasi ng dominos. Kaya naman tinabihan ko nalang sha at patuloy na pinagmamasdan hanggang sa maubos ang oras.

Sobrang ganda mo Barbara, hinding hindi na ko papayag na maglayo pa tayo sa mga susunod na araw. Hinding hindi na ko mawawalay sainyo ni Micha. Kayo ang kaligayahan at buhay ko.

Nahiga na rin ako at nakaramdam ng antok, mukang wala nang balak dumating ang pizza ng dominos, ngunit patuloy pa rin akong nag antay.

Kriiiiiiing kriiiiiiing...

Tumunog ang alarm ni Barbara kasabay ng-

Dingong... Dingdong...

Nagising si Barbara at bumangon.

Barbara's POV

Nagising ako. Nagising ako na walang matandaan. Panaginip lang ba ang lahat ng iyon?

"Hi babe, nakatulog ka lang saglit, tumunog ang alarm mo, asa labas na ata yung delivery man ng pizza natin babe." Bungad ni Michael nang may ngiti sa kanyang labi.

"Ah, hindi ako nananiginip babe?" Ani ko.

Hinalikan ako ni Michael sa noo sabay alis upang puntahan ang nasa labas na delivery man.

Hindi nga panaginip lahat ng 'to, totoo nga. Totoo na masaya kami ni Michael ngayon at tunay nga na ang gabing ito ay hinding hindi 'ko makalilimutan.

Lumapit si Michael nang may hawak na dalawang box ng pizza, parang nag slowmotion ang lahat. Ngiti ni Michael na hinding hindi ko ipagsasawalang bahala, mga ngiti na kahit kaylan ay hindi ko pagpapalit kahit kanino man.

Masaya kaming kumakain ni Michael ng pizza habang nanunuod ng movie at tila ayaw ko nang kumawala.



An: Guys, pangungunahan ko na kayo, sobrang sorry sa napakalate na update hindi ko kasi marecover account ko here sa wattpad nang magkaron ako ng new phone huhu. Iloveya'll. ❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Another Chance❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon