Your Love Never Fades

8 0 0
                                    

Simula

"Ma, bakit?" Walang tigil ang aking luha, napaluhod nalang ako harapan ng aking ina.

"Ruth, anak pasensya na talaga. Nakaya mo naman ng ilang taon hindi ba? Kaya kakayanin mo rin ngayon." Umiling ako, wala ng mahanap na dahilan upang hindi nya kami iwan. Dumalo sya saakin at yumakap.

Basag narin ang boses ng aking ina. "Pakiramdam ko eto na eh. mahal na mahal ko ang Tito arman mo, mahal nya rin ako. Sige na naman na anak, gusto kong maging masaya!" Tumaas ang kanyang boses sa mga huling salita. tila hindi ko na kilala ang sariling ina.

Nawala ang aking mga luha at natulala. Mukhang kailangan ko ng tanggapin na buo na ang kanyang desisyon para dito.

Bumukas ang pinto at pumasok ang aking kapatid.

"Ma? Ano na naman to?" Pagod na tanong ni Timothy.

"Kayo na ang bahala ng ate mo ha, Timothy." Aniya at walang pasubaling dumiretso palabas ng bahay.

Iniwan na naman kami ni mama. Ito na ang pangalawang beses na ginawa nya ito. Nung una'y inalila lamang sya ng pamilya nang lalaking sinamahan nya kaya't bumalik, matapos lamang ng tatlong buwan ay ito na naman, sumama na naman sya sa lalaking isang buwan nya pa lang nakikilala. Sobrang sakit, akala ko mabubuo na ulit ang aming pamilya pero hindi parin pala.

"Ate." itanayo nya ako at inupo sa aming sofa.

Niyakap ko ang aking kapatid. "Ate, kaya natin to, na kaya naman natin ng ilang taon di'ba?!" tumango ako. Sa aming dalawa sya ang hirap mag patawad, kung hindi dahil sa pangungulit ko sa kanya ay hindi nya talaga kakausapin ang aming ina.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo ng walang inasahang tulong kahit kanino, kahit sa aming ina. Nakagraduate ako dahil sa sariling sikap, trabaho doon, trabaho dito. Doon lamang umikot ang aking mundo sa pag babakasakaling makuntento si mama at hindi na sya umalis.

Nagalit ako sa kanya noon dahil pakiramdam ko wala syang pakialam saming mag kapatid pero ng bumalik sya nawala lahat nang galit sa akin, ang tanging gusto ko lang ay mabuo ulit kaming tatlo.

Matagal ng wala si papa, sampung taon pa lamang ako at  walong taon naman si Timothy. Ang akala ko wala ng mas sasakit pa sa pagkawala ng aming ama, ngunit nagkamali ako.

Hinarap ko ang aking kapatid. "Tim, mag-aral kang mabuti ah, isang taon nalang at gagraduate ka na, ako na ang bahala sa lahat." sabi ko.

"Wag kang mag alala ate, magsisikap din ako gaya mo, ipapakita ko kay mama na nagkamali na naman sya ng desisyon." niyakap ko ulit sya at tumango. Kakayanin namin.



"Good morning guys!" Bati ni Jella kaibigan at officemate ko rin.

Bumati rin ang lahat, tumango ako.

"You look stressed Ruth, problema?" Aniya at umupo sa tabi ko ring cubicle.

Napabuntong hininga ako. "Si mama, umalis na naman."

"Ha? Ilang buwan pa lang simula ng bumalik sya ah?" Tumango ako, tumayo sya at niyakap ako. Alam nya ang kasaysayan ng buhay ko.

Tumingin sya sakanyang wrist watch. "Tara! maaga pa naman kumain muna tayo, ikape mo na lang yan ruthy." Tumawa ako at sumang ayon, may thirty minutes pa naman.

Sabay kaming naglakad patungo sa glass door ng sabay ding paghila palabas nito.

"Good morning everyone!" Pumasok si Madame Conchita ang may ari ng Logistic Company na pinagtatrabahuhan ko. Malaki ang ngiti, ang kanyang mga accessories ay kumikinang sa balat nito.

Your Love Never FadesWhere stories live. Discover now