Chapter 6: Please welcome the goddesses

3 0 0
                                    

Zoid's POV

Hey there, your oh so handsome,

oh so so handsome,  so, so, so handsome..

And very handsome, very very handsome,

very, to the million times handsome,

And the most HAAAAAAAANNNNNNNNDDDDDDDSSSSSSSSOOOOOOOOMMMME of all.... is right here.

Yeah right, I'm handsome to the nth level.

Tsk. Ang gwapo mo talaga Zoid no?

Oo na.... Gwapo talaga ako.

Tama yan, gwapo ka talaga Zoid. Wag mong kalimutan yan

Oo ang gwapo ko...
At gwapo talaga ako eh.

Pano ba yan sobrang gwapo ko?

Sige. Sige na sarili ko. Gwapo ka na, para kang timang eh....

Masama bang purihin ang sariling...

"Ang gwapo ko talaga!"

"Hoooy!!"nagulat ako sa isang palakpak sa gilid ng tenga ko sabay ang paglitaw ni Clerd sa likuran ko..

Kasalukuyan kong hawak ang cellphone ko, habang naka-upo at ginagamit itong salamin para pagmasdan ang kaguwapuhan ko. Nalaman ko ring siya yun dahil nakita ko rin siya sa screen.

" What??" inis kong bulyaw sa kaniya.

Bigla namang ngumisi ang loko.

" Nanaginip ng gising, nakatulala sa salamin.. Nagsusumidhing damdamin, parang timang lang ang dating." bigla namang kumanta ang loko. Pinalitan pa ng pangit na lyrics ang kanta ng Aegis. Walang patawad.

"Pwee.. Ang pangit ng boses mo. Tigil-tigilan mo yan at baka bumagyo't wala tayong dalang payong." saway ko sa kaniya.

" Naku, naku, naku... Tigil tigilan mo rin yang pagpapantasyang unggoy ka,at baka mas lumakas pa ang hangin dito sa Pilipinas at magdulot ng ipo-ipong sisira sa maraming kabahayan at sa sangkatauhan,pati narin sa mga chica babies ko. Maawa ka naman.." bato niya rin.

"Aba'y.."tumayo ako dahil sa pagkapikon at kukutisan na sana siya ng bigla siyang umiwas at tumakbo..

Naghabulan kami sa loob nitong classroom namin. Oo nandito kami. At ngayon ang first day namin. Magkaklase na sana kami sa first subject, pero biglang pinatawag si Miss
Zen sa principal's office.

Nasa may pintuan na kami, at si Clerd ay patalikod na tumatakbo nang biglang may pumasok, kaya pareho silang natumba at ako naman ay di nakapagpreno nadaganan ko rin sila sa sahig, at may nahila pa akong babae sa pagkataranta ko para di ako matumba... Ang labas eh.. Apat ata kaming nasa sahig ngayon.

" What's this?" bigla ay sumulpot sa harapan namin ang mga kaklase namin, at pati si Ms. Zen, gulat na gulat ang mga ito.

Dali dali naman akong tumayo at inilahad ko ang kamay ko sa taong nahila ko.Babae siya, pero di ko maaninag ang mukha niya kasi natatabunan ng mahaba niyang buhok. But it seems like she's not going to accept it, instead she raised here head and also her right eyebrow...

And as I saw her face...

The time stopped...

She's definitely an angel, and now I was left so dumbfounded even if she already stood up.

" Tsk." yan ang reaction niya sabay bangga sa akin, at tinulungan niya naman yung isa pang babae na natumba na mukhang masakit talaga ang bagsak.

Pagkatayo nong isang babae, bigla akong natauhan nong nakita ko ang lantang lantang si Clerd... Pffft... Naipit ata.

Obstacles to finally meet Who My Heart beatsWhere stories live. Discover now