Hi

60 4 1
                                    

Hi

Yun ang unang salita sinabi sa akin. Kaya lang sa chat. At first na weirduhan ako sayo. Hindi naman kita kilala eh. Kaya tinanong ko kung sino ka sa classmate ko.

Hindi ka ganun ka familiar sa akin. Baka nakita na kita. Baka napansin na kita pero hindi ko lang maalala. Pero gusto kong makilala ka.

Nalaman ko na higher year level ka pala. Hindi halata sa height mo eh. Sorry naman.

Yun nga. Nagchat ka sa akin. Nagchat ako sayo. Nagchat tayo.

Nagchat lang pala, walang tayo eh

Pero alam mo, naiinis ako kasi ang bagal mo mag reply. Ano kayang ginagawa mo? Naglalaro ng basketball? Nag aalaga ng kapatid mo? Baka sinasadya mong hindi basahin ang text ko para sayo. Gusto ko ngang itapon ang cellphone ko sa kakahintay. Sino ba naman kasing matinong tao ang maghihintay ng reply ng 2 oras? Pero kahit ganun, nirereplyan parin kita.

Araw araw tayong magkachat. Hindi lang ganun ka bilis ang reply mo pero okay na rin. Wala kasi akong magawa sa bahay eh.

Nung tinanong kita kung kilala mo ako. Sinabi mo, oo. Pero nung tinanong mo kung kilala kita. Sinabi ko na hindi. Bakit? Wala lang, trip ko lang

Akala ko nga magpapakilala ko sa akin eh. Yun pala umasa na naman ako. Tch. Sa katunayan nga, palagi akong nakatingin sayo. Di ko alam kung bakit. Baka hinihintay ko na tumingin ka rin sa . Ewan ko ba. Minsan lang kasi ako magkaroon ng kaibigang mas matanda sa akin.

Pero alam mo yung matindi? Kapag tumingin ka naman sa akin ay iiwas ako ng tingin. Ewan ko ba. Ayaw ko lang kasi na mahuli mo ako at sabihin na kilala talaga kita tapos sinungaling ako. Totoo naman pero ayaw kong magbago ang tingin mo sakin.

Ilang araw na din ang lumipas. Matagal ka parin mag reply. Pero pinakamalala na yung 2 araw mo akong pinaghintay. Kaya sa sobrang inis ko sayo, tinurn off ko yung notifications sayo. Tingnan natin kung sino ang maghihintay bukas.

Letters for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon