Ang galing mo

25 3 0
                                    


Oh online ka na.

Pero hindi mo parin siniseen ang messages ko. Haays

Kaya tinutok ko na lang yung atensyon ko sa mas mahalagang bagay. Yung mas mahalaga sayo. At iyon ang pag-aaral. #huwaran

Halos buong araw na hindi ako naka connect sa wifi. Marami pa kasi akong assignment na kailangan kong tapusin ngayon. Tch, Monday na bukas eh.

5 oras na ang nakalipas at hindi ko parin natatapos ang assignment ko. Sino nga ang nagimbento ng Algebra? Sana matauhan siya na hindi ito nakakatulong sa paglunas ng sakit ng ulo.

Nagpahinga ako ng sandali. By nagpapahinga I mean mag connect sa facebook. At ang una kong nakita? Ang message mo.

Kamusta?

Sineen ko lang. Ang galing mo eh.

Ang galing mong mag-paasa.

Gusto ko lang naman makaganti sa apat na araw na wala ka. Pero 30 minuto ang nakalipas at nagchat ka ulit.

Ouch. Seenzoned

Sineen ko lang ulit. 30 minuto mo ako pinaghintay sa message mo. Ay 4 na araw pala.

Busy?

Ang bilis mo yatang magreply ngayon? Naging 25 minutes. Ang galing naman.

Pero sineen ko lang ulit.

Nandyan ka pa?

Naging 1 minute ah. Ang galing mo naman. Ang galing mo pag hindi kita pinapansin.

Shit. Napabulalas ako ng shit dahil ginulat mo ako. Ginulat mo ako sa isang tawag na galing sa iyo.

Incoming video call from **** ******

Dahil sa gulat, na off ang phone ko. Pero nag-on ito dahil nag message ka.

Wow. Declined

Ay may gana ka pa maging sarcastic. Ang galing mo naman. 4 na araw mo akong hindi pinansin tapos ganyan ka lang.

Ok ka lang?

5 oras bago ka nagsend ulit ng message. Ang galing mo.

Ok lang ako, kuya.

Ang galing mo. Napasagot ako sa tanong mo.

Letters for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon