Late replies

27 3 3
                                    


Buntong hininga

Punong puno ang aking araw ng buntong hininga.

Bakit ang tagal mo magreply? Sa pagkakaalam ko ay wala kayong projects at mga requirements na kailangan mong ipasa this week.

Maybe I'm just assuming that I know everything about you. Ano nga ba ang alam ko?

Grade 10 ka. Kulang ang height. Palaging kasama ang kabarkada. Mapride na tao.

Buntong hininga. Buntong hininga nanaman.

Pagod na akong maghintay sa wala. Umaabot na yata ng iaang araw ang hindi mo pagreply sa mga messages ko. Ganun ba ako kadesperada sa paghihingi ng atensyon mo.

Kaibigan kita. Pero kaibigan mo ba ako?

Kasi feeling ko, katulad lang ako ng ibang tao.

Yung last reply mo.

" Grabe. Ang unique mo pala. "

Sigurado ka ba sa lahat ng sinasabi mo? Baka binobola mo lang ako.

Baka pinapaikot mo lang ako sa mabubulaklak na pananalita mo.

Akala ko, iba ako para sayo.

Pero dahil sa pag-iwas mo sa bawat mensahe ko, natauhan ako.

Natauhan ako na wala lang ako

Maling akala lang pala lahat

Akala ko okay na

Akala ko okay lang

Akala ko higit ako sa iba

Akala ko kaibigan na

Lahat maling akala

Pero alam mo ba?

Sana hindi na lang kita nakilala

Letters for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon