Ako yung iniwan

34 3 1
                                    

Noon

Aaminin kong napakagago ko. Simula kasi nung nakilala ko siya, nagbago na yung mundo ko.

Iba kasi siya. Hindi niya ako pinipilit sa mga bagay na ayaw ko. Hindi niya ako palaging kinukulit. Hindi ko nga siyang narinig na magreklamo. Hindi siya katulad mo.

Kapag kasi ikaw yung kasama ko, nawawalan ng hugis yung mundo ko. Nagiging magulo. Walang organization. Nawawalan ng kwenta. Ayaw ko ng ganun.

Kaya nga nung dumating si Sandra, natuwa ako. Nakakita ako ng taong makakapangiti sa akin.

Umalis lang ako nang saglit para kausapin siya, pero pagbalik ko, wala ka na. Kami na lang pala ang natira.

Ngayon

Araw-araw may dala kang pagkain. Yung mga paborito ko, pero si Sandra eh. Tinatapon niya lang yung mga efforts mo.

Siya palagi ang nakakausap mo. Paano na lang ako?

"Salamat, Mitch! Matagal na tayong hindi nagkwentuhan. Halika rito,marami akong ikukwento sa iyo!"

Yun yung mga salitang gusto kong sabihin. Pero binalaan ako ni Sandra, na kapag kinausap kita, mawawala na yung kami.

Wala  na ngang tayo. Wala na din yung ikaw at ako. Ayokong mawala yung kami. Ayokong maging mag-isa.

Kaya sinunod ko ang bawat sinabi niya. Pero maling-mali.

Walang gulo. Walang pagkakamali. Masyadong organized. Ayaw ko ng ganoon. Pakiramdam ko, kinokontrol ako at wala na akong magagawa. Pinilit kong pigilan ang aking sarili, pero yung puso ko ang mapilit.

Kaya ginawa ko. Pumunta ako sa'yo. Kahit mawawala na yung kami.

Okay lang. Kasi alam kong magkakaroon ng tayo. Sigurado ako.

Pero nalaman ko na lang na may kasama ka ng iba. Marami sana akong tatanungin.

Gusto ko lang naman na ang mga sagot ay klaruhin.

"Sino siya?"

Unang tanong. Gwapo. Matangkad. Matikas.
Sa "gwapo" pa lang na salita walang wala na ako. Ang galing mo palang pumili ng bago.

"Bakit nakangiti ka sa kanya?"

"Bakit naghahawakan kayo ng kamay?"

"Bakit kayo nagyayakapan?"

"Bakit kayo naglalambingan sa aking harapan?"

Wala na kayong hiya para gawin yun? Hindi mo man lang ba naisip na masakit rin dito, dito sa kalooban ko. Edi kayo na! Meron nang kayo. Kayo na yung masaya!

"Wala na ba tayong pag-asa?"

Sandali

Hindi pala tayo. Wala palang tayo. Kasi ayoko ng ganon. Ayoko ng tayo.

"Masaya ka na bang kasama siya?"

"Masaya ka na bang nawala na ako sa tabi mo?"

Kasi ganun yung tingin ko. Yun ang iniisp ko. Yung ang nakikita ko. Yun ang pinaparamdam mo. Masaya palang mang-iwan ng ibang tao.

"Naghihiganti ka ba?"

Dahil sa bawat araw na tayo yung magkasama, alam kong tinuring kita na parang wala lang. Magkaibigan lang naman tayo eh, kaya bakit ituturing kitang espesyal.

"Bakit mo ako iniwan nung araw na iyon?"

Kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin nalaman ang sagot. Kasi hanggang ngayon, umaasa pa rin akong bumalik ka at lumuhod sa aking harapan at humingi ng tawad.

Kasi iniwan mo ako.

Hindi naging tayo

Wala na yung ikaw at ako

Wala na din yung kami

Meron ng kayo

Ako na lang ang natira.

Ako na lang mag-isa

Kasi ako ang iniwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon