Malaya ka na Mahal ko

33 1 0
                                    

Ilang balde na ba ang nailuha?
Nang malamang ika'y may mahal nang iba?
Ngayon ba'y masaya ka na?
Dahil ako'y nagdurusa.

Nakakatawa mang isipin,
Ngunit ika'y mahal pa rin.
Mag mukha mang tanga sa iyong paningin,
Ngunit anong magagawa ako'y nag mahal lang din?

Pero mahal, sa tingin ko alam ko na kung ano ang tamang desisyon na aking dapat gawin.
Desiyon na ikaw ay aking palayain.
Kahit masakit ay aking pipilitin.
Kahit mahirap ay haharapin.

Dahil alam kong masaya ka na sa kaniya.
Masaya kahit wala ako sa iyong tabi.
Hindi ko alam pero paulit-ulit pumapasok sa aking isip, na muli mo akong babalikan at sasabihing 'Mahal pa rin kita.'
Pero aasa pa ba?
Aasa pa ba na ikaw ay muling babalik
Kung sa simula pa lang alam kong malabo na.

Ang iyong mga ngiti ay nagsisilbing palatandaan na ikaw ay masaya na sa kanya.
At ang salitang malaya ay nararapat para sa'yo, dahil ang yakap ng aking mga bisig ay nagsisilbing kadena na dahilan ng iyong pagkakakulong sa loob ng aking puso sa matagal na panahon.
Kaya mahal uulitin ko ikaw ay malaya na sa pag-ibig kong handang isugal ang aking kasiyahan para lang sa mga ngiti mong pinangarap ko, kahit alam kong hindi ako ang dahilan nito.
Malaya ka na mahal ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula Para sa WalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon