The game called love

60 1 0
                                    


Kaya ko pa bang isugal?
Isugal ang nararamdaman ko kung ang lahat ng ito'y isa lamang laro.
Larong kung sino ang unang magmahal ay talo.
Isang larong dulot ay sakit at pighati.

Itutuloy ko pa ba?
Pero masakit na, dahil araw-araw kong pinipigilan na sabihin ang nararamdaman dahil sa huli ako ang talunan.
Pinipigilan ko ang kiligin sa mga paglalambing mo sa tuwing tayo'y na sa harap ng maraming tao dahil alam kong  gusto mong panindigan ang ating munting laro.
Pero masisisi mo ba ako kung minahal kita habang ang atensyon mo'y na sa iba?

Naalala ko pa yung araw na sabi mo sa akin na kailangan mo ng pampalipas oras. Inaya mo akong maglaro nun pero hindi ko alam na ang mo palang iyon ay tinatawag na "A game called love"
Pumayag ako dahil sabi ko sa sarili ko hindi ako matatalo at sisiguraduhin kong ako ang mananalo... Pero mukhang mali ako.
Dahil sa bawat araw na lumipas unti-unti na pala akong nahuhulog sa iyong patibong. Patibong na siyang dahilan nang pagpatak ng aking mga luha.

At dito nagsimula ang pag-ibig na nagmula sa isang laro. Pag-ibig na sa ating dalawa ako lamang ang nagmamahal at nasasaktan.
Dahil para sa'yo ang larong ito ay isa lamang pampalipas oras.

At sa bandang huli ako ang tinaguriang talunan sa ating laro. Bakit pa nga ba ako aasa kung alam ko namang hindi mo ko kayang mahalin at iiwan mo lamang akong luhaan sa gitna ng malakas na pagbagsak ng malakas na ulan.

Mga Tula Para sa WalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon