Sa Bawat Pagsulyap

32 0 0
                                    

Sa bawat pagsulyap ko sayo,
Ay ang sanhi ng pagtibok ng mabilis ng aking puso.
Sa aking pagsulyap at ika'y nakatingin
Hindi mapigilan ang kiligin.

Sa bawat oras na  ako'y iyong kausap
Tila ba'y parang isang awit
At hindi mapigilan ang pagngiti na abot hanggang langit.
Ika'y makasama kahit panandalian ay ang aking pangarap.

Makamtan pa kaya?
Kung sa piling ng iba ikaw ay masaya?
Sa piling mo ay mali ba ang lumigaya?
Ngunit ako'y nagmahal lang sinta.

Kaya sabawat pagsulyap,
Ako sana'y pagbigyan.
Sa bawat pagsulyap,
Sana'y isang ngiti ang sumilay sa iyong labi.

Dahil sa bawat pagsulyap ko,
Hinihiling na magising sa katotohanang ikaw ay may mahal nang iba.
At sa bawat pagsulyap ko,
Ang dahilan ng unti-unting paghulog mula sa patibong mong dulot ay sakit

Kaya mahal patawad kung,
Sa bawat pagsulyap sayo,
Ay umaasa pa ring muling babalik ang nakaraang
Matagal mo nang ibinaon sa limot.

Mga Tula Para sa WalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon