Lesson 1

37 1 0
                                    

Cayla's POV

Thursday.

Thursday.

THURSDAY.

THURSDAY NA.

Ayon dun sa announcement nung Tuesday ngayon darating ang mga observer students galing Japan at heto kami nagrarush sa pagdedecorate ng room -__- Dapat talaga kahapon pa to tapos kaso bilang mga huwarang estudyante nagphone at kumain lang kami kahapon kaya ngayon we're suffering from our own actions. Andito kami lahat kanina pang 6:30 something para isstart ang meeting namin para sa gagawin mamaya at ngayon busy kami sa pagdidikit ng mga kung ano ano sa room.

"Guys! Bilisan na natin!" Sigaw ni Nile, president namin, sa mga boys na wala namang ibang ginagawa kundi magbatuhan ng mga plastic na bola.Hayst. Kelan ba kami matatapos dito?

"Kasi naman tamad tamad natin eh " Napatingin ako kayCelinne ng sabihin niya yan at hindi na nagtaka ng makita ko ang hindi maipinta na mukha niya. Paano ba naman nabalitaan niyang meron ng jowakels yung crush niya.Kagabi pa siya nagdadrama at nagkwekwento ng kabitteran niya sa buhay sa group chat naming tatlo.

"Sinabi mo pa. Rush pa more tayo" Sabi ni Ferrie habang busy sa pag gugupit ng mga pangdecor

" Di bale. Wala namang klase. HAHAHHAA"Well, yan lang naman ang maganda kapag may program eh. Ligtas sa mga performances at tests.

"Buti na lang talaga. HAHAHHAHA.Naalala ko pala"

"Yung ano Ferrie?"

"HAHAHHAHA. Istart mo nang mag move on bes. HAHHAHA"Nagkatinginan kami

" Kahit di naging kayo. HAHHAHAA" At sabay na lang kaming natawa

"Ay sige. Magaling. Ako na naman nakita niyo -__-" HAHAHHA.Minsan talaga nagtataka ako kung paano namin napagsasabay ang pagkwekwentuhan at pagtratrabaho. Baka naman hidden talent namin yan. Charot.

*

*

*

*

*

*

Ilang oras na ang lumipas at 8:05 na at heto kami't malapit na , sa wakas, matapos ng pag-aayos ng aming room. Sabi samin ni Ma'am Trinie kahapon ay 10 o'clock pa darating ang mga observers kaya dapat ready na kami sa time na yon.At nandito ako na super naeexcite at the same time kinakabahan samga mangyayari mamaya. Nafififeel ko ang isang premonition na talagang maymangyayari. HHAHAHHAA.Maybe start na to ng plot twist ng aking life kung saan mamimeet ko ang Takumi Usui ng buhay ko. Charot. Asa. May thesis muna akong proproblemahin kaysa love life eh. Iyaq.

"Cayla pasama akong bumili sa may food court please?" Tanong ni Yddeth, ang aking otaku buddy. Isa siya sa kakwentuhan ko tungkol saking mga beloved fictional husbands. 

"Kakatamad " sabi ko. Layo kaya nun.

"Sige na. Dampag. Libre kita" And as if on cue nasa labas nakami at papunta na  sa foodcourt. Wala naman kasing makakatanggi sa libre di ba?

Kung pupunta ka sa foodcourt madadaanan mo ang SPA Building at ang Centennial Building kung saan namin madalas ginagawa ang nakakatamad na flag ceremony. Speaking of, I wonder kung anong ganap ngayon doon. Meron kasing mga kumpol ng teachers at students ang nandoon at kung hindi ako nagkakamali ay mga Filipino teachers sila. And as a dakilang chismosa dapat di ako papahuli kaya agad akong lumapit doon.

Sumingit ako ng sumingit, Tumalon ako ng tumalon kaso hindi ko talaga makita. Height matters talaga minsan eh -__- Sa pagod ko kakatalon bigla na lang akong nagutom at sumanggi sa utak ko.

Nasaan pala yung sinamahan ko at ililibre daw ako?

"Woy. Halika na." Magaling Yddeth.Magaling.

"Nakabili ka na pala?" Tanong ko kahit obvious naman dahil may hawak hawak na siyang burger at drinks habang busy ako sa pakikichismis.Bahala na nga yang libre, ang mahalaga makita ko ba kung may spotted ba silang pinagkakaguluhan diyan o ano. HAHAHAHA.

"Yah. Balik na tayo doon. Baka magalit si Pres. Dampag"Hayst. Oo nga pala. May observer chuchu pa.

..

..

..

OBSERVER?!  0__0

"Wait!Baka sila na yon. " Sabi ko sabay turo dun sa maykumpulan ng mga tao.

"Hah? Saan dyan?" Fudge. Wala na sila doon. Don't tell mepapunta na sila ng room. Fudge uli. 9 o'clock pa lang.

"Wala. Wala. Dali balik na tayo sa room" Kulang na langtumakbo ako papunta sa room para lang malaman kung ano ba talaga.

" Oo na. Yamet ay."

Pagdating naming sa room nandun na si Ma'am Blancy at inoorient na sila sa mga gagawin.

"Saan ka met galing? Pupunta na sila dito" Tanong ni Ferrie na hindi ko lang din pinansin at nginitian na lang siya.

"Excited na ako. Sana spotted." Sana nga Celinne. Shet.Kinakabahan ako to the highest level. Woooh.

"Fudge. Ako din." Sabi ko habang nililibot ang paningin sa room at mahahalata mo talaga sa mukha naming lahat ang excitement at the sametime kinakabahan kasi first time naming magkaroon ng kaklase galing ibang bansa what more pa Japanese sila. Waaaaah. Eto na talaga.

" Okay Class. Ready na kayo?" Tanong ni Ma'am na sinundan ng'Yes!" naming lahat "Okay then let's start the program by calling your new classmates inside." Tuloy ni ma'am saka siya saglit luambas para tawagin ata sila.

Ilang seconds lang ang lumipas ng pumasok na ang mga taong kanina pa namin hinihintay na dumating. Hindi ko alam pero parang may anghel na dumaan sa room namin sa sobrang tahimik at tanging maririnig mo ay ang sounds ng sapatos ng mga dumadating. Nang makapasok na silang lahat kanya kanyang reaksyon ang makikita mo sa mukha namin.

At ako? Ano pa bang aasahan niyo? Sabay sabay kaming tatlo na nagkatinginan at mahina din naming naisigaw.

"Fudge guys! Spotted!"

Iba't iba kami ng pinagsabihan ng salitang yan pero pare-parehas din pala kami ng naramdaman at that time.

Sino ba kasing mag-aakala na yung maliit na joke ko kanina e magkakatotoo pala?

Spot-O!Where stories live. Discover now