Lesson 3

55 2 1
                                    

Cayla's POV

Hmmm?

HMMMM?

HMMMMMMMMMM?!

Can someone please explain to me what's freaking going on?!

"Next is the SPM Building where SPM student take their classes" Huh? Huuuh?

BAKIT AKO NANDITO NGAYON AT NAGPAPAKAHIRAP MAG ENGLISH PARA LANG ITOUR ITONG OBSERVER NA TO SA BUONG CAMPUS?!

Wala talaga akong naiintindihan sa ngayon at mas lalong hindi ko naiintidihan kong bakit ko to kasama ngayon. Masyadong magulo at alam kong mas naguguluhan kayo. Kaya eto:

*Flashback*

"Huy Ferrie , Celinne ano ba talagang meron?" naguguluhang tanong ko sakanilang dalawa na kanina pa tawa ng tawa eh akala mo naman may nakakatawa.

"Di ba ginusto mo yan?" Mas lalong nagpagulo na sagot sa akin ni Celinne habang ngumunguya ng graham balls. Kaderder diba? Pero di ang pag nguya niya ang isyu ngayon kundi bakit nila ako tinutulak palabas ng room papunta sa mga observers na yun.

"Hah. Di kasi nakikinig kanina. Itour mo daw yang mga yan"

"HAH?! AKO LANG?!"

"Ay assuming teh?. Ayan sila Yddeth oh" Turo nila sa labas at nakita ko nga sila Yddeth at Luis.

"Kami lang tatlo?" Sabay na nagiwas ng tingin ang dalawa kasabay ng pagtawa ko. Karma strikes agad. Panigurado kasi akong sila ang sumigaw ng pangalan ko kanina. Sila lang kasi ang mga walang hiya na gumagawa nun.

"Hah. Buti nga senyo. So sino totour niyo?" Tanong ko kasabay ng lalong pagkawala sa mood ng dalawa. Anong meron?

"Ang daya kasi Ferrie ehhhh"Umaatungal na sigaw ni Celinne na akala mo inagawan ng sampung tsokolate.

"Bakit? Ikaw nga dyan" At nagbangayan silang dalawa dahil lang sa nagkapalit sila ng itotour. In short nagkabaliktadan yung spotted nila -__-

"Buti pa si Cayla.Ang dayaaaa" Anong madaya don? Akala ko nga ikasasaya ko pag may ganitong mangyayari pero mas lalo ko atang ikinabadtrip.Walang hiya kasi kanina pa nakatingin ng matalim yung lalaking yun sakin. Akala mo ikinagwapo niya pero gwapo talaga siya pero nakakairita siya kahit wala siyang ginawa. HAH ang gulo ko.

Ilang sandali lang tinawag na kami para iistart yung tour. Okay na sana. Okay na talaga. Okay na okay na. Pero bat kailangang by pair pa?!

*End of flashback*

At yun ang umpisa ng aking kili- este ng aking panibugho.Eh sa kung marunong lang umintindi ng tagalog tong lalaking to eh di sana kanina pa to okay.Malapit na talaga. Nafififeel ko ang malapit ng pagbuhos ng red something sa aking pangong ilong dahil sa kanina pa ako English ng English, bahala na kung wrong grammar dyan. Ginusto niya yan eh. Charot.

So yun, nilibot libot ko siya sa campus at sa totoo lang hindi ko feel na may kasama ako ngayon.Palibhasa umalis na ata si Tamaki Suouh sa katawan niya at sinaniban naman siya ni Mori-senpai dahil kanina pa siya walang imik. Kulang na lang sumayaw ako sa harap niya ng Harlem Shake para naman alam niyang nandito ako. Charot uli.

"Can you tell me your name" Halos maibuga ko yung iniinom kong chuckie ng bigla siyang magsalita. Kala mo nasa horror eh. Pasuspense.

" Cayla Nycholas Mangonon" Sabi ko habang hinihigop kung may laman pa yung chuckie ko kaso wala na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spot-O!Where stories live. Discover now