Hello. 😊

0 0 0
                                    

Ako nga pala si Mona. Of course, I am a real woman, not lesbian or gay. 😁 Masayahin, masungit, pero mapagmahal syempre. 😊

Lahat tayo may mga naaalala na agad noong mga bata pa. Tulad ko, naaalala ko noong nasa public school ako, kinder ako noon hanggang graduation ng grade 6 hindi ako lumipat ng school. Bata pa lang ako, si mama na lagi kasama at kaagapay ko. Bunso ako sa amin. Panganay ate ko tapos sunod kuya ko na lagi ko kaaway. 😂 Pero mahal na mahal ko silang lahat. May tatay kami, si papa. Kaso lagi sya wala eh. Nasa Saudi. OFW si papa. Bihira umuwi dito sa Pilipinas. Kaya di kami close kay papa. Lahat ng mga moments na dapat nasa tabi namin si papa, wala sya lagi. Wala sya sa tuwing may birthday sa amin mag iina, wala sya sa tuwing may aakyat ng stage sa amin magkakapatid lalo pag graduation, wala sya sa tuwing kailangan namin ng sundo lalo na kapag may bagyo binabaha school namin natatakot kami, wala sya sa tuwing gusto namin ng yakap kapag nasasaktan kami sa paglalaro sa labas o kapag may problema kami, wala sya sa tuwing pasko o bagong taon. Hindi namin sya nakakasalo. Nakakalungkot pero iniintindi namin kasi para sa amin naman yung pagtatrabaho nya sa ibang bansa eh. Nandyan naman lagi si mama na tumayong nanay at tatay sa amin kasi kung anu ano tinitinda ni mama may pandagdag pang gastos lang para sa amin.

Natatandaan ko noong bata pa ko iyakin ako lalo na kapag may nang aasar sakin. May mga iyak ako na minsan sinusumbong ko kay mama, minsan hindi. Minsan kapag nakita ng kuya ko may nang aasar sakin, sinusuntok nya. 😁 Pero sa bahay kami ng kuya ko lagi magka away. 😂

Lagi kami hatid sundo ni mama noon at tsaka lagi nya kami dinadalhan ng pagkain ni kuya ng tanghalian sa school.

Paggising pa lang sa umaga, nakahanda na lahat ng gamit namin at isusuot namin. Pati pagkain handa na rin. Tuwing bago umuwi naman galing school, lagi kami binibilhan ni mama sa labas ng kung anu ano tulad ng barbeque, balut, mainit na monay, etc. Sobrang saya araw araw. Napaka swerte namin kay mama. 😇

A Tapang AkoWhere stories live. Discover now