At eto na..

2 0 0
                                    

Sa kabila nang lahat, tinanggap pa rin ako ng pamilya ko. Napatawad pa rin nila ako. Mahal na mahal ko sila kaya sila pinili ko pa rin makasama kesa sa boyfriend ko. Pinagpatuloy pa rin nila ko sa pag aaral habang buntis ako. Si mama lagi kasama ko sa monthly check-up. Wala oras lagi boyfriend ko. Wala pati pera lagi boyfriend ko. Si mama lagi. Hiyang hiya ako sa magulang ko..

Hanggang sa dumating ang oras na dapat aakyat ako ng stage para sabitan ng honor medal, pero bigla pumutok panubigan ko.. 😨 8 months pa lang tiyan ko noon nang dinala na lang ako sa hospital ni mama.

Noong una ay sinubukan pa ng doktor na pakapitin pero hindi na talaga kinaya. Takot na takot ako noon lalo si mama para sakin.. Pero hindi naman nabigo ang doktor na gawing maayos ang normal delivery ko.

Pero ang anak ko, nasa malubhang kalagayan siya pagkalabas niya sakin.. Hindi namin alam ni mama ang gagawin halos dasal na lang kaya namin gawin para mabuhay lang anak ko. Ilang beses siya binigyan ng taning dahil nga sa hindi siya fully developed at premature baby.. 😭

Isang milagro ang nangyari dahil hindi namin akalain na masu-survived ng anak ko ang kalagayan niya. Masaya din ang doktor namin. At sa wakas, matapos ang halos tatlong linggo sa hospital ng anak ko, nakauwi na din kami sa bahay. Napaka saya namin ng pamilya ko. 😇

Dahil sa mga nangyari ay lalo nagalit mama ko sa boyfriend ko dahil palagi siya wala sa hospital pero palagi walang pera maitulong sa anak namin.

Hanggang sa araw araw kami puyat ni mama sa pag aalaga sa anak ko, pagkalipas ng ilang buwan ay pinabalik na agad ako ni mama mag enroll ulit at tapusin ko daw ang pag aaral ko.

Ayaw ko na din makipag relasyon pa sa tatay ng anak ko. Nagising na ko sa katotohanan na sinasabi ni mama na wala kami kinabukasan ng anak ko sa piling ng boyfriend ko. Oo, siya ang tatay ng anak ko, pero wala siya paninindigan na buhayin niya ng maayos kahit ang anak namin kahit hindi na ako. Wala talaga pagbabago sa prinsipyo niya. Hanggang sa nag hiwalay na nga kami. Pilit siya nakikipag ayos pero ayaw ko na para din sa kinabukasan ng anak ko.

Dahil sa hindi maayos na pagsusuntento ng tatay ng anak ko, humantong pa kami sa harap ng abogado para lang hingan ng sustento ang anak ko. Buntis pa lang ako hanggang sa lumalaki na anak ko ay wala pa rin siya maitulong samin ng mama ko. Kahit noong bumalik na ko sa college, ginugulo pa rin niya ko pinupuntahan niya ako sa school para lang makipag ayos.

A Tapang AkoWhere stories live. Discover now