Eto pa..

1 0 0
                                    

Hanggang sa lalo na hindi nagparamdam ang tatay ng anak ko pagkatapos ng paghaharap sa abogado. Si mama na talaga ang bumuhay sa amin ng anak ko. Hiyang hiya ako sa magulang ko.

Bigla umuwi si papa, huling uwi ni papa ay grade 6 ako. Ngayon na lang siya umuwi, may anak na ko. Galit sa kanya si mama..

Nakakita si mama ng mga kung anu ano papel sa bag ni papa na may accommodations sa mga hotel dito sa Pinas at sa Hongkong. Hindi namin akalain na yun pala ang dahilan kung bakit di umuuwi sa amin si papa.. Nagalit kami lahat kay papa pero ayaw namin masira pamilya namin. Hinayaan ni mama si papa na magtrabaho pa rin sa Saudi para pa rin sa pag aaral namin..

Habang nag aaral ako sa college, ayaw ako pagtrabahuhin ni mama. Tapusin ko na lang daw muna pag aaral ko para sa anak ko. Nung una ay aminado ako na nawawalan ako ng oras sa anak ko dahil full load ako lagi mag enroll tuwing semester.

Hanggang sa nakapagtapos na kami ng college kami lahat na magkakapatid. Sobrang saya ni mama. Sobrang saya namin. Lalo na ako na hindi ko akalain na makakapagtapos pa ko at susuportahan ako ni mama kahit na nagka anak ako ng maaga.. Registered nurse si ate, si kuya sa airline, at ako ay sa computers.

Mahirap pala makakuha agad agad ng trabaho kahit na college graduate ka. Buti si ate maayos ang trabaho sa call center. Si kuya sa airport. Ako, kahit nahirapan ako nung una, hindi ako sumuko para sa anak ko na lumalaki.

A Tapang AkoWhere stories live. Discover now