❄
Field Trip 'Mag fi-field trip na nga lang sila sa isang museum pa'. Common na reaction ng bawat kaklase at schoolmates na kasama ni Daehwi ngayon. Kung hindi lang para sa English project nila ay baka wala pa sa 10 estudyante na lang ang makakasama ng nakababata sa museum na ito.
Unlike other teenagers Daehwi was fond of greek mythologies. He likes to know every story of them. How they became a greek god and anything else that can filled his mind. Humiwalay mula sa kanyang mga kasama ang binatang si Daewhi.
Pinagmamasdan niya ang bawat paintings na nadadaanan niya hanggang sa mapatigil siya sa harap ng painting ni Icarus kasama ang kanyang amang si Daedalus. On the painting, Icarus was already falling. It was a tragic one but it serves a lesson to everyone that you should still listen to your parents mostly if its also about your safety.
Sa sunod naman na painting ay nakalarawan ang 'Psyche Awakened by Cupid's Kiss'. It was a dark and sweet sight for Daehwi. Sa di malamang dahilan ay parang nasaksihan niya mismo ang pag mamahalan ng dalawang taong nasa larawan.
Agad na inalis ng binata ang mga mata sa painting at muli na lang nag patuloy sa pag lalakad. Marami pa siyang nakitang larawan na pamilyar ang kwento sakanya hanggang sa mapatigil siya sa harap ng isang pintong naka siwang.
Bumilis ang tibok ng puso nang binata. Sa di malamang dahilan ay parang natatakot siyang bukasan pa lalo ang pinto at pumasok, natatakot siya na may magawa siyang mali ngunit nakakaramdam din siya ng saya na tila ba gusto niya talagang pumasok at wag ng pigilan pa ang sarili.
Nanginginig man ang mga kamay ay hinawakan ng binata ang seradura ng pinto. Dahan-dahang binuksan at sumilip sa loob. Maraming painting na nag kalat sa pader na para bang may ikinekwento. Sa gitna ng silid ay may isang estatwa. Napaka gandang estatwa.
Nag simulang humakbang ang mga paa ni Daehwi. Bawat hakbang ay siya din pag bilis ng tibok ng kanyang puso. Sa sobrang bilis nito ay natatakot na siya na baka kumawala ito sakanyang dibdib at baka mamatay na lang siya dahil inatake na pala siya sa puso. Bawat hakbang niya ay hindi niya napapansin ang paisa-isang luhang pumapatak sa magkabila niyang mata.
Ng makalapit sa harap ng estatwa ay agad siyang umakyat sa paltform na pinagpapatungan nito. Tinitigan niya ng mabuti ang pigura. Lalo na ang muka nito at ang mga mata nito. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanan niyang kamay at hinaplos ang pisngi ng pigura.
Patuloy lang ang pag bilis ng tibok ng puso niya at pag patak ng kaniyang mga luha. Unti-unting ipinikit ni Daehwi ang mga mata niya upang makita ang nakaraan ng kung sino mang nasa pigurang nasa harap niya.
Tila bumagal ang pagtakbo ng oras. Tanging mahihinang musika lang ang nadidinig ng binata hanggang sa napamulat na lang siya dahil sa isang malakas ng pwersa na tila hinila siya. Pag mulat ng mga mata niya ay agad na bumungad sakanya ang isang madilim na kweba na binibigyang liwanag lamang ng sinag ng araw na makikita sa dulo nito.
Maya-maya pa ay naka dinig siya ng mga yabag, nanatili lang siya sakanyang pwesto at inintay ang kung sino mang may ari ng mga ito. Tila na estatwa ang binata ng makita niya ang isang lalaking nag lalakad na tila balisa at kasunod naman nito ay isang napaka gandang babae na may maliit na ngiti saknyang mga labi.
Tahimik lamang silang nag lalakad. Sumubay si Daehwi sa dalawa. Sa di malamang dahilan ay biglang bumigat ang kanyang mga paa, para bang ayaw niya ang sunod niyang masasaksihan at gusto na lamang niyang tumigil sa paglalakad. Ang bigat din ng kanyang puso at mas bumilis ang pag patak ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Reverse ❄ JinHwi
Fanfiction"We will always meet, different world, different place, different time, different date, name it."- JinHwi JinHwi's One Shot Collection